Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yaya Dub, likas ang pagkakomedyante

090115 Yaya Dub Maine Mendoza

00 SHOWBIZ ms mAt dahil nakakasabay na rin si Maine sa kanilang tatlo nina Jose Manalo at Paulo Ballesteros, possible kayang maging magaling ding komedyante si Yaya Dub. “May pagkakomedyante talaga ang bata, may mga punchline rin siya na hindi rin naman namin itinuturo kanya lang talaga. Nasa tiyempo rin siya magpatawa.”

Pero off cam, tahimik lang daw si Maine. Walang PA na kasama at siya lang mag-isa ang nagbubuhat o nagdadala ng mga gamit. “Simple lang talaga ang batang ‘yan, baliw lang talaga at wala sa kanya ‘yung arte-arte. Sabi ng nanay niya, kahit noong maliit pa raw ‘yan, mahilig na mag-make face. Pero sabi ko nga nakita ko nga mga kapatid niya mapuputi, kaya sabi ko kay Maine, ‘hindi ka kaya ampon?’ Sinabi ko rin na mukhang mga Chinese mga kapatid niya eh, siya malaki mata kaya sabi ko, ‘hala ka baka ampon ka nga hahaha’.

“Hindi pa rin ramdam ni Maine na sikat na siya. Minsan nasa location kami. ‘Yung pagkain nasa labas, andoon kami sa loob, bigla na lang nagkaroon ng commotion ‘yun pala kumukuha siya ng pagkain. Siya nga lang kasi ang gumagawa ng lahat, walang kasama,” paglalarawan pa ni Wally kay Maine.

Nabanggit pa ni Wally na hindi pa rin masyadong nasi-sink-in kay Maine ang kasikatan. “Minsan noong 6:00 a.m. na kami na-pack-up, hindi siya makatayo ng matagal, siyempre bago pa lang, naninibago, pagdo na. Pero sabi niya okey daw siya. Sabi ko, ‘just in case iba ang pakiramdam mo tapikin mo lang ako. Kumain ka kasi ng maayos’. Hindi rin kasi palakain ‘yung batang ‘yun.

“Ayun na hinahawakan ko siya, sabi ko ipa-exit ko siya, tapikin lang niya ako kapag hindi na niya talaga kaya.

“Tapos heto na, noong nakita si Alden, biglang sumigla. May something na gumaganoon-ganoon pa (‘yung sayaw na pagkasaya-saya namay kasamang talon) eh, pagod siya noon. Biglang nawala ang pagod.

“Biniro ko nga, “hindi magpahalata, sige’ marunong na ring umarte.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …