Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pastillas Girl, ibinubugaw daw; Gabriela, umalma

091915 Pastillas Girl
MAY bagong paandar ang Gabriela. Apparently, nakikisawsaw ito sa issue against It’s Showtime. Marami raw natanggap na letters ang Gabriela sa mga tao na nagsasabing ibinubugaw si Pastillas Girl sa show.

Nakakaloka, ha. Paano ibinubugaw ng It’s Showtime si Angelica Jane Yap?

First of all, ang bugawan ay between a pimp and a prostitute. Hindi naman prostitute itong si Angelica Jane so, nasaan ang bugawan.

Second, kapag ibinubugaw ang isang babae ay kumikita ang bugaw. So, sino ang nagbubugaw kay Pastillas Girl? Sino ang kumikita sa kanya?

Nakatatawa ang mga tao sa social media. Pinalalaki nila ang isang issue na wala namang ka-sense-sense.

Why will the show pimp Angelica Jane? Para kumita ng pera? Helllloooooooo!!!!

At itong Gabriela masyadong maepal. May mga issue noon na duwag naman silang papelan like the kase ofJanet Napoles. Bakit  tameme naman sila noon sa kaso ni Janet na isang babae? Ang daming babaeng kabit, bakit hindi nila ‘yon pakialaman? Hindi ba sila aware na maraming babaeng pumapatol sa amoy lupang lalaki because of money? Bakit hindi sila makisawsaw doon?

Not surprisingly, marami ang nag-react negatively sa paandar ng Gabriela.

“Oa. Anong masama run Gabriela? Hindi naman binubugaw ha tulad ng mga sinasabi sa bashers, pinapapili lang sya sa 3 boys kung sino karapat dapat sa puso nya. Even coco like her so much because of her impressive eyes at totoong tao.”

“nasa tamang edad na si Pastillas, mapapahiya lang yung mga nagreklamo nito at kung ipipilit ng Gabriela , pati sila mapapahiya. Haha.”

“Sobra naman… pimping agad? eh pano yung mga segment ng mga noon time shows before like it’s a date or pag valentine’s na may 3 suitors tapos pipili yung searcher ba either boy or girl. Mga bashers talaga oh.”

“Gabriela, ano po ba talagang pinaglalaban nyo? Hindi po ba parang matchmaking lang naman un? Kahit hindi ko trip si pastillas girl, hindi naman yata sya verbally or physically binabastos. Sorry po ha, hindi ako updated sa show niya. Sa news ko lng nakikita.”

Kung gustong masugpo ng Gabriela ang bugawan, magpunta sila sa mga kasa, sa mga kilalang streets ng siyudad na maraming babaeng ibinubugaw. Doon, magpakabayani sila at iligtas ang kapwa nila babae sa prostitusyon.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …