Thursday , November 21 2024

Hindi ko masasabing sikat ako, pinagpala lang ako — Gloc 9

092715 Gloc 9

00 SHOWBIZ ms mLABINGWALONG taon na si Gloc 9 (Aristotle Pollisco) sa industriya pero never naming nakitang yumabang o lumaki ang ulo. Siya pa rin ang Gloc 9 na simple at mababa ang kalooban. Hindi siya nabago ng tagumpay na tinatamasa sa kasalukuyan.

“To be honest, hindi ko inilalagay sa isang konteksto na sikat ang kinalalagyan ko ngayon. I am just thankful for the kindness and the support that I am getting from the public. I don’t have the guts to claim that I am famous. Ang masasabi ko lang, ako’y pinagpala,” sambit ni Gloc 9 nang makausap namin ito para sa Ang Kwento ng Makata: Gloc-9 Live! sa Music Museum para sa apat na Sabadong konsiyerto—October 10, 17, 24, at 31.

Ayon kay Gloc-9, wala sa wishlist niya ang magkaroon ng solo concert. Ang alam kasi namin ay sobrang mahiyain ito kapag nasa stage na. Nawawala lang ito kapag may mga kasama na siya.

“Wala sa wishlist ko ang mag-solo concert sa tootoo lang. Sobra na akong contented sa anumang nakuha ko sa career ko,” giit ni Gloc 9 na makakasama sina Aiza Seguerra, Bamboo, Jay Durias, Jennylyn Mercado, Kylie Padilla, atMarc Abaya sa Oct.10.

“Lagi kong sinasabi na wala na akong puwede pang mahingi pa.”

Ang Ang Kwento ng Makata: Gloc-9 Live! bale ang kauna-unahang concert series ni Gloc 9 kasama rin ang Glocnine. Ito bale ang pasasalamat ni Gloc 9 sa loob ng 18 taong suporta at pagmamahal na ipinagkakaloob sa kanya, lalo na ng mga mahihilig sa musika.

“Sa 18 years ko po sa larangang ito, halos mahigit kalahati po niyon ang puhunan ko para matandaan ng tao ang aking pangalan. Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng kabaitan at suporta na ipinakita ng mga tao sa akin. Excited po ako at kabado rin sa series of shows na gagawin naming ngayong October pero at the same time ito rin po ay aking pasasalamat para sa lahat ng taong sumusuporta sa amin.”

At sa 18 taon ni Gloc 9 sa industriya, ano pa kaya ang mahihilig niya?

“Siguro nasa punto na rin po ako ng trabaho ko na ito ang conscious effort na ginagawa natin ay kung ano po ‘yung leksiyong mapupunta o maibabahagi natin. Sobra akong masaya sa mga kaibigan ko sa industriya. Kaya kung ano man po ang magagawa ko rin sa kanila eh ibinibigay ko rin po.”

Karamihan sa mga kakantahin ni Gloc-9 sa konsiyerto ay mga orihinal na kantang naisulat niya. Sa mga manonood, tiyak makikita sa pamamagitan ng kanyang awitin kung ano-ano ang kuwento, damdamin, at saloobin sa loob ng 18 taon niya sa industriya. Pero alam n’yo bang hindi pala marunong tumugtog ng gitara o piano man lang si Gloc-9? Nakabubuo pala siya ng kanta sa pamamagitan ng pag-hum lamang sa cellphone.

“’Di ako marunong tumugtog ng instrument. Nagha-hum lang ako ng melody sa cellphone hanggang sa makuha ko ang tamang progreso ng melody.

“Noong ginagawa ko ‘yung Sirena sobrang inspired ko on the way home. Galing ako noon sa isang show at natapos ko na yung chorus and lyrics ng mabilis lang. Kaya nga halos biyayang masasabi ko ang kantang iyan sa akin. Kasi nga very effortless na nabuo ang kanta. ‘Yung verses sobra kong pinag-isipan kasi ayokong maka-offend. ‘Yung  chorus wala pang 2 hours na nabuo ko samantalang ‘yung verses tinrabaho ko siya almost a week,” paglalarawan ni Gloc-9 ukol sa awitingSirena na nagawa niya dahil sa isang gay na kapitbahay nila na taga-Binangonan, Rizal.

Aniya, sa tuwing makikita niya ang baklang iyon na naka-make-up ng makapal at nakasuot ng loud outfit ang mas nakikita niya ay ang isang masipag na nagtatrabaho para sa kanyang mahal sa buhay. ”He was working at a beauty parlor near our house. ‘Yan ang natatandaan ko sa kanya. Kaya naisulat ko noon na minsan mas lalaki pa sa tunay na lalaki ang isang bakla.”

Sa pagra-rap na ginagawa ni Gloc-9, hindi iyon madali at talaga namang kinakailangan ng matinding haba ng hiningi. Paano kaya ito napapanatili ni Gloc-9? ”Siguro mayroon talagang nabibiyayaan ng mahabang hininga at isa na ako roon. Minsan iniisip ko rin ‘yun napapanood kong mga artist na kumakanta ng kanta ko at nakakaya rin naman nilang gawin. Sa breathing technique lang ‘yan throughout the years na-perfect ko,” sambit nito. ”Kaya minsan ‘pag sinasabi na rapper lang ang rapper, parang medyo nasasaktan ako kasi hindi rin naman madali ang maging rapper. Kailangan nagbibigay ka ng oras at dedication. At saka nakakatulong din siguro ‘yung sobrang takaw kong matulog. As early as 9:00 p.m. tulog na ako.”

Umaasa lang siya na mabibigyan din ng pagpapahalaga pa ang ibang rappers bagamat  nabibigyang pagkakataon naman ang iba na maipakita ang kanilang talent. ”Sana mas malaki pang suporta ang nakukuha rin nila dahil marami talagang magagaling na rap artist.”

Hindi naman pinangarap ni Gloc-9 na umarte sa harap ng kamera.  ”Tina-try ko mag-practice sa bahay na every scene na pina-praktis ko iisa lang ang facial expression ko, kaya hindi ko na lang po hahangaring mag-artista,” nangingiting sabi nito.At,”Dasal po at ang palaging pagsasabi sa aking sarili na ako ay mananatiling fan ng musika,” ang mahalaga kay Gloc-9.

Makakasama naman niya sa Oct. 17 sina Chito Miranda, Ebe Dancer, Janno Gibbs, Jonalyn Viray, at Rico Blanco; sa Oct. 24 naman ay sina Ebe Dancel, Jolina Magdangal, Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid, at Yeng Constantino; at sa Oct. 31 ay sina Ebe Dancel, Jay Durias, Julie Ann San Jose, at KZ Tandingan. Regular guest naman niya sina Maya, Migz Haleco, Reese, atRochelle Pangilinan.

Mabibili ang ticket sa ticketworld at 8919999 at Music Museum sa 7210635/7216726. Ito ay handog din ng Belo Medical Group, Be Belo Beautiful Today, Motortrade, Motorsiklo Sigurado, Alaga Ka Dito! At Guitar, Guitar since 1960, quality and confort at the mot affordable price.

Sa kabilang banda, thankful naman si Gloc-9 na nasama siya sa management ngPPL Entertainment Inc., ni Perry Lansingan dahil ‘ika nga niya ito ang naging daan para sa mga trabaho na nagpabago ng kanilang buhay.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Mercy Sunot Aegis

Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis

HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Daniel Padilla KathDen kathniel

Kathryn game makipaglaplapan kay Alden, ‘di nagawa kay Daniel

HATAWANni Ed de Leon MAY mahaba at mainit na halikan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang pelikula …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *