Favorite singers niya ang Aegis, sina Ogie Alcasid, Erik Santos at Angeline Quinto dahil daw, “Magagaling po silang kumanta, gusto ko po ‘yung timbre ng boses nila. Sa tuwing nagpe-perform sila on stage, pinanonood ko at pinag-aaralan ang technique nila. Gusto ko rin kasi matuto na i-impersonate sila.”
Ang kanyang mommy Memo-ry at Dad na nasa ibang bansa ang nag-impluwensya sa kanya sa pagkanta. ‘Si mama po kasi, dati siyang tumutugtog ng banduria. Doon po ‘yun nagsi-mula hanggang nahasa ang bo-ses ko.”
Aside from singing, may ibubuga rin siya sa dance floor like his idols na sina John Prats, Billy Crawford, Vhong Navarro, at Enrique Gil. Isa sa dream ni Josh ang makapag-perform sa Araneta Coliseum pero ‘di naman daw siya nagmamadali. Step by step ‘ika nga, dadaan daw muna siya sa Farmers Plaza, Isetann Mall, Music Box, Zirkoh, Teatrino, Music Museum bago iyon.
“Dream ko rin po na makasama ang favorite singers ko na sina Aegis, Angeline at Erik on stage. Isang malaking achievement ‘yun sa akin kung mangyayari po balang araw. Isa pa sa dream ko ay makasama sa isang TV show.”
Tapos nang mag-recording si Josh ng carrier single niyang Kahit Malayo Ka, ang se-cond single naman niya’y Maghihintay Ako. Kasama rin siya sa first major concert ni Hazel Mae Ursais sa Isetann Cinema 3, Recto sa Sabado, Set. 26 at may
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio