Sa pangunguna ni Regine Tolentino, ang ZStar Ball ay isang dance concert at gala night for fitness instructors and fitness enthusiasts. Ito rin ay isang wellness, fitness and beauty events na gaganapin sa October 9, 2015, Friday, 7:00 to 12:00 midnight sa Makati Sports Club.
Sa aming huntahan ni Andrea, naniniwala kaming mas handa na siya ngayon sa pagpasok sa politika, lalo’t tapos na siya ng kanyang Masters in Entrepreneurship sa Ateneo University. Sinabi niyang matagal na rin siyang hinihimok na pasukin ang politika.
“I was invited three years ago, pero ngayon ko lang mas kino-consider yung offer na ito. I’m more matured now and my daughter Bea is one hundred percent na okay na rin ‘yung health niya. Kung sakali, gusto kong tutukan ang health, education and livelihood sa aming bayan,” saad ni Andrea.
Sinabi rin ni Andrea na gusto niyang makatulong sa mga kababayan sa Batangas.
“Kasi, nandoon iyong vision ko as a mother and ‘yung drive ko at eagerness ko for my daughter to have a wonderful future. And I want that for the future generation of my town.”
Gusto raw niyang i-offer ang kanyang serbisyo para magkaroon ng alternative at matigil na ang mga epal na politiko.
“Hindi ako nagmamagaling, pero ang feeling ko ay puwede pa, na may magagawa ako para sa bayan ko. Given a chance, sakaling pasukin ko nga ang politika, I will try my very best. With all humility, I think naman kahit paano I could somehow contribute.”
Nagpapasalamat din si Andrea sa mga kaibigang tulad ni Regine na all out ang suporta sa kanya sa pagpasok niya sa politika.
Incidentally si Andrea ay mapapanood sa pelikulang Felix Manalo ng Viva Films na pinagbibidahna ni Dennis Trillo. Guest din siya rito sa ZStar Ball Philippines.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio