MARAMI ang natawa sa paandar ng laos na superstar na si Nora Aunor.
Hindi katanggap-tanggap sa marami ang eksena niyang she dedicated her Iconic Queen FAMAS Award kina Marian Something at Bea Alonzo.
Bakit n ga naman kasi ginawa niya iyon gayong wala namang kinalaman sina Bea at Marian sa kanyang career, ‘no!
Just because nakasama lang ni Ate Guy si Marian ng isang beses sa Sunday noontime show ng Siete ay close na sila? Si Bea, never naman yata niyang nakasama sa isang project, ah.
“Bea Alonzo pwede pa! I like Marian too pero acting wise, di naman sya ganon kabongga,” say ng isang fan.
“Tanong lng po, nakasama na po ba ni Ms. Nora sina Bea at Marian?” say naman ng isa pang tagahanga.
“Eh wala ngang box office si Marian. Si Bea talaga ang dapat na iconic sa generation nila kaso mas mataas talaga ata kita ng movies ni Sarah. Pero kung sa galing, alam naman nating lahat na the best talaga si Bea sa panahon nila ngyon,” one guy opined.
“kahit napakaraming flop movies ni bea at marian eh noh? Hahaha. bea has dreamboy, pakpak dr. kwak, sayo lamang. marian has kungfu divas, tarot, temptation island. lol you cant be a movie queen if ang dami mong flops. Kaloka,” said another guy.
Of the two, walang K na maging Iconic Movie Queen si Marian dahil most of her movies were veritable flops. Wala naman siyang box office record. Mas bagay sa kanyang tawaging Flop Movie Queen!!!
UNCUT – Alex Brosas