Tulad ni Gerald Anderson na gumaganap bilang si Paul, inamin nitong lalong tumatag ang kanyang paniniwala dahil sa Nathaniel. “Natutuhan kong mas maging mapagkumbaba at hindi padalos-dalos sa anumang nararamdaman,” paliwanag ng actor na may malaking desisyong gagawin ngayong lingo.
Patuloy namang tinutuklas ni Shaina Magdayao na gumaganap bilang si Rachel kung ano ang purpose sa showbiz at bakit hanggang ngayon ay artista pa rin siya.
Natanong ang aktres kung bakit hanggang ngayo’y loveless pa rin ito at nasabi niyang, isa ito sa ipinagdarasal niya, ang makahanap na siya ng lalaking mamahalin at magmamahal sa kanya. Ang gusto kasi niya ay totohanang didiretso na sa pagpapakasal sakaling ma-inlove muli siya.
Samantala, nananatiling pinakapinanonood na programa sa bansa tuwing weekdays ang Nathaniel, ayon sa datos ng Kantar Media. Lagi itong tinututukan ng samayanan kaya naman nagawa nitong pumalo sa all-time high national TV ratings na 37.5 percent noong Hunyo. Hindi lamang para makapagbigay-aliw ang layunin ng Nathaniel, bagkus ay magbahagi ng mabubuting asal at aral sa mga batang manonood.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio