Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ana Capri, fan ng LizQuen pero kinikilig din sa KathNiel

092115 Ana capri lizquen kathniel

00 Alam mo na NonieANIMO typical na fan din pala ang magaling na aktres na si Ana Capri. Nang nakahuntahan namin siya recently, inusisa namin si Ana tungkol sa mga teenstars na pinagkakaguluhan ngayon ng maraming fans.

“Oo, naririnig ko rin yung mga love team, pati AlDub! Siyempre andyan yung Kathniel … Pero mas fan ako ng LizQuen, kasi kasama nila ako sa TV series na Forevermore eh, di ba?” Saad ni Ana.

Dagdag pa niya, “So, na-witness ko talaga kung gaano sila kasikat. Katulad noong pinagte-taping-an namin na bulubundukin sa Baguio. Para pumunta ka roon, best in effort ka talaga. Tapos mayroon silang line na hanggang doon lang ang fans, nandoon talaga sila. At ang lamig doon, para lang makita mo sila, di ba?

“’Tsaka kapag pinost mo picture nila sa Instagram, ang daming nagfa-follow talaga. Kaya hanggang ngayon, fan ako ng LizQuen, sinu-support ko sila.”

Sinabi rin ni Ana na gusto niya ulit makasama sa isang project ang dalawang teenstars. “Of course, kung mayroong offer, why not?”

Ipinahayag din ni Ana na aware siya kung gaano kalakas ang KathNiel tandem?

“Oo naman, in fairness, nakakapanood naman ako ng mga film nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at kinikilig din ako sa kanila.”

Gusto mo rin bang makatrabaho ang KathNiel kung may chance?

“Oo siyempre, gusto kong makatrabaho sila. Kasi automatic yun di ba, magandang exposure at siguradong blockbuster!”

Sa ngayon, napapanood si Ana sa All Of Me sa ABS CBN bilang nanay ni Yen Santos. Tampok din dito sina JM de Guzman, Albert Martinez, Arron Villaflor, at iba pa.

Sa pelikula naman, isa si Ana sa casts ng Louie Ignacio movie na Laut na mula sa BG Productions International ni Ms. Baby Go at pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Ronwaldo Martin (kapatid ni Coco Martin), Gina Pareno, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …