Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Etiquette For Mistresses, magandang comeback para kay Claudine

081115 kim claudine kris iza

00 SHOWBIZ ms m“ITO ang magandang comeback movie para sa akin,” ito ang iginiit ni Claudine sa presscon ng Etiquette for Mistresses ng Star Cinema at idinirehe ni Chito Rono.

Naniniwala si Claudine na napaka-challenging ng role niya bilang si Chloe na isa ring kabit kasama sina Kris Aquino,Iza Calzado, Cheena Crab, at Kim Chiu.

Ani Claudine, ”Nenjoy ko ‘yung role ko rito. Actually, dalawang pelikula na ang nagawa ko na naughty ako. Out of the box. Pero ito ‘yung talagang eskandalosa, grabeng magdamit. ‘Pag pumasok si Chloe mae-enjoy mo talaga ang presence n’ya.

“Ako kasi, hindi naman ako ganoon in real life, mahiyain talaga ako. Hindi mo makikita na ganyan-ganyan. Si Chloe mahilig tumawa parang ngayon ko lang uli nagawa ‘yun. Kaya naman pinaka-extreme na ito at challenging talaga.”

Naniniwala si Claudine na hindi man kagustuhan ay may nagiging kabit ”It really exist, marami akong kakilala na piniling tahakin ang ganoong klase ng buhay. Na may iba’t ibang rason. Ako po hindi ko masasabi mahirap mag-judge ng tao kasi alam naman natin kung ano ang tama, hindi naman namin gino-glorify. Choice natin sa buhay kung kaya nating may mga taong natatapan, o kaya nating magbigay o ayusin ang ating buhay.”

Masaya si Claudine na nakabalik sa Star Cinema na taong 2011 pa pala ang huling pelikulang nagawa sa naturang film company, ang In Your Eyes. ”Parang hindi pa ring makapaniwala na nakabalik na rin ako parang ang tagal-tagal ko kasing simple lang ang buhay, normal lang ang buhay, mother lang sa mga anak ko. Pero ‘yung ngayon, parang happy na ako kasi nakabalik na uli at napakaganda ng project na ito para sa isang comeback after so many years.”

Ani Claudine, after ng Etiquette for Mistresses, may isa pa siyang pelikulang gagawin muli sa Star Cinema.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …