So, paano naman magkakaroon ng simpatya ang viewers kay Pastillas Girl?
Kaya nagtataka ako kung bakit pinapasikat ito ng ABS CBN kahit puro pagmumura ang alam gawin. Natutuwa ba sila na laging mura nang mura ang naririnig dito? Gusto ba nila itong pasikatin para ipantapat sa Aldub, kahit hindi maganda ang tabas ng dila nito?
Sa ngayon, mahirap makahanap ng pantapat sa AlDub. Sabi nga ng Dabarkads na si Joey de Leon, “After 36 years, wala ka nang pressure, all pleasure na.” So, paano mo ipantatapat ang ganyan sa EB? And definitely, ang pressure ay nasa It’s Showtime.
May narinig pa nga akong nagsabi na, “Etong si Pastillas girl naging notorious dahil ang naririnig mo puro mura at malalaswang salita. Samantalang si Maine (Yaya Dub), sumikat nang husto kahit wala kang naririnig sa kanya.”
Kaya sa tingin ko ay hindi magandang ehemplo ito sa mga kabataan, lalo’t kung ang purpose lang ay mag-ingay, magpakontrobersial, magpapansin, at magkaroon sila ng pantapat sa AlDub para mabawasan ang impact o malihis ang atensiyon ng publiko sa Eat Bulaga. Kahit pa manggaya sila at magmukhang TH sa pagpapapansin sa viewers? Nega talaga ito sa karamihan.
Dapat kasi, hindi nataranta ang It’s Showtime sa lakas ng Kalyeserye ng AlDub. Andyan pa rin naman ang magic ni Vice Ganda at alindog ni Anne Curtis. Plus sina Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, at iba pa. Kaysa nanggaya sila at naghanap ng negang pantapat sa Aldub, dapat ay umisip sila ng ibang gimmick. Pero hindi ang manggaya at magpasikat ng isang babaeng TH at pilit na nagpapapansin!
Paano iyan, sa Sabado na ang first date ng AlDub? Ano kaya ang gagawin ni Pastillas Girl para mapansin, kakain ng bubog habang tumutulay sa alambre?!
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio