“Six years old ako nang sumali sa Eat Bulaga, pero apat na beses akong sumali roon, e. Noong una ay nakapasok ako sa Grand Finals, pero hindi ako nakapunta dahil tinigdas ako. Sumunod na season, sumali ulit ako, pero natalo ako.
“Dati hanggang six years old lang ang puwedeng sumali roon, pero kahit seven or eight years old na ako, sumasali pa rin ako. Sabi nga ni Ryzza Mae sa akin noong nag-guest ako sa show niya, ‘Kaya po pala hindi kayo nananalo, kasi nandaraya kayo, e.’” Pahalakhak na sabi pa ng komedyana.
Dagdag pa niya, “Eto ang nakakatuwa, nag-guest ako sa The Ryzza Mae Show, tapos ay sa Eat Bulaga, after that, nakuha na nila ako para sa Princess in the Palace. Hindi kasi nila alam na puwede ako lumabas sa kanila.”
Nabanggit din ni Kitkat na todo-kayod siya ngayon dahil binili na niya ang dream house na inaasam. “Nag-down ako ng malaking-malaki rito, kaya kumbaga ay back to zero ako ngayon kasi idinown ko lahat e, todo na. Dream house ko ito, dugo at pawis talaga ito.
“Isipin mo na sumugal talaga ako, nailabas ko ang lahat ng pera ko at aasa ako sa mga darating na work para pambayad sa banko.”
Nahirapan ka bang magpa-alam sa Star Magic dahil sa GMA-7 ang bagong show mo? “Hindi naman, kasi lalo na ang pinaka-reason ko, bumili ako ng bahay. So, hindi ako puwedeng mapahinga sa trabaho. Kailangan may pambayad ako sa monthly amortization.
“Kaya kahit maglabada at magplantsa, tatanggapin ko,” nakatawang wika pa niya.
Ayon pa kay Kitkat, ipinagdarasal din niya na makasali siya sa movie nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas na pinamagatang My Pabebe Love.
“I’m hoping at saka ipinagdarasal ko na makasama ako sa movie nina Bossing Vic at Ai Ai sa MMFF. Ewan ko ba, sabi ko nga’y nag-Little Miss Philippines ako sa Eat Bulaga noon ha and lahat yata ng mga bata ay pangarap makasama si Bossing.
“Gusto ko talagang makasama sila e, gusto kong maging Dabarkads din! Isa yun talaga sa pangarap ko, ang makasama sa Eat Bulaga at makasama sa movie ni Bossing.”
Kasama ni Kitkat sa Princess in the Palace sina Ryzza Mae Dizon, Eula Valdez, Aiza Seguerra, Ciara Sotto, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio