Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, aminadong okey lang sakaling magkabalikan sila ni KC

091515 KC piolo

00 SHOWBIZ ms mFIRST time magkakasama nina Piolo Pascual at Rhian Ramos sa isang pelikula, ito’y sa pamamagitan ng Silong na handog ng SQ Films Laboratory & Black Mamba Pictures na ire-release ng Star Cinema sa mga sinehan sa Sept. 16.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong gumawa ng daring scene ni Rhian sa pelikula at puring-puri siya ni Piolo dahil sa pagiging professional nito.

“Hindi madali ’yung ginawa ni Rhian. Babae siya at first time niyang ginawa, ’yung daring scenes namin, kaya bilib ako sa kanya,” ani Piolo na sinabi pang walang kaarte-arte sa katawan ang aktres.

Ayon sa mga nakapanood na ng Silong na idinirehe nina Jeffrey Hidalgo at Roy Sevilla, matapang at walang kiyemeng ginawa ni Rhian ang kanyang role na nagpapakitang mas agresibo pa sa mga love scene nila ni Piolo.

Samantala natanong si Piolo ukol sa pagbabati nila ng dating girlfriend na si KC Concepcion na nangyari pa sa London.

Ayon sa actor, matagal na raw silang nagka-ayos ni KC at ang nangyari lamang sa London ay doon nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap sila.

“Kristina and I are actually okay even before London. Eversince her lola (Elaine Cuneta) passed, we kinda broke the ice already when I sent my condolences.

“And then, ayun, when we would see each other, okay naman kami. Siguro, we just had a chance to talk lengthily, nagkaroon kami ng oras para. . .we didn’t even talk the past, I mean na parang how are you na, this and that, ganoon lang.

“And it was a happy moment, ang sarap kasi, parang it was a ‘thorn off your chest’, para sa kapayapaan na rin ng mga tao, para sa ekonomiya, di ba? Hahaha,” natatawang sagot pa ni Piolo.

“Parang sa akin, maraming humihingi sa Instagram, ang dami pa ring (fans) ng loveteam namin, ‘pag nakita mo ‘yung comments nila, parang pati sila nabunutan ng tinik, so, ang saya lang makapagpasaya ng tao maski okay naman talaga kami, but at least, for their peace of mind, nakita nila na we’re really okay.”

At ang reaksiyon ni Piolo sa fans na gusto silang magkabalikan ni KC, “Why not? I mean, napakaliit naman ng mundo. I mean, at the end of the day, in all honesty, ayokong may kaaway, ayokong may kagalit, ayokong may iniiwasan, ayokong may bawal dito or ang daming concerns, parang happy lang lang lahat. Trabaho lang. If you had to do it, bigyan ng estasyon, siyempre, ayoko lang talaga ng may issue. So, okay lang sa akin.”

Okey din daw kay Piolo kung magkatrabaho muli sila ni KC.

How sweet ‘di ba? Ikaw na Papa P!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …