Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica Panganiban at Sarah Carlos, kinaiinisan ng PSY viewers

091415 angelica panganiban sarah carlos

00 Alam mo na NonieMARAMI palang suking viewers ng Pangako Sa ‘Yo ang naiinis nang husto kina Angelica Panganiban at Sarah Carlos dahil sa pagiging hadlang nila sa relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Actually, buwisit ang viewers ng PSY kina Madam Claudia Buenavista at Bea Bianca, ang mga karakter na ginagampanan nina Angelica at Sarah, respectively. Ang dalawa kasing ito ang sagwil sa relasyon nina Yna at Angelo, lalo na si Madam Claudia dahil bukod sa pagtutol niya sa relasyon ng pangunahing bida sa PSY, madalas din niyang inaapi si Yna sa naturang top rating TV series ng ABS CBN.

Ayon sa ilang masugid na supporters ng KathNiel, buwisit sila kapag inaapi si Yna at umeepal si Bea Bianca para magpapansin kay Angelo. Sabi nga ng isang avid fan ni Kathryn na itago na lang natin sa pangalang Ysabelle Andrea Nicasio, “Nakakainis si Bea Bianca, ang kapal ng mukha niyang i-kiss si DJ, wala siyang karapatan!”

Sa totoo lang, hindi lang ang relasyon nina Yna at Angelo ang tinututukan ng maraming viewers ng seryeng ito, kundi pati ang kina Amor Powers (Jodi Sta. Maria) at Governor Eduardo Buenavista (Ian Veneracion). Nakikipagsabayan sa pampakilig sa maraming manonood ang love story ng dalawang ito, lalo na nang simula pa lang ng seryeng ito.

Of course, habang tumatagal ay lalong nagiging interesting pati na ang paghihiganti ni Amor Powers sa mga umapi sa kanyang pamilya at ang magiging kahihinatnan ng political career ni Governor Buenavista. Inaabangan din ng marami kung ano ang kalalabasan ng pagdukot sa kapatid ni Gov. Buenavista na si Diego Buenavista (Bernard Palaca) at ang paliwanag ni David Powers (Diego Loyzaga) sa pagtatraydor niya kay Gov. Buenavista na itinuring siyang parang tunay na anak.

Incidentally, pati ang love triangle nina Andrea Brillantes (Lia Buenavista) sa magkapatid na sina Juan Karlos Labajo (Vincent ‘Amboy’ Mobido) at Grae Fernandez (Jonathan ‘Egoy’ Mobido) ay tinututukan din, lalo na ng mga kabataang fans ng seryeng ito.

All in all, masasabi kong lalong nagiging kapana-panabik ang bawat episodes ng Pangako Sa ‘Yo to the point na ayaw mong ma-miss ang bawat eksena rito. Dito ay malaking tulong ang I Want TV dahil kapag na miss namin ng bunso kong si Ysa ang anumang episode ng PSY, doon namin ito napapanood.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …