MAPAGBUBUTI ng tubig sa inyong bahay ang chi ng tubig sa inyong katawan kung ito ay malinis, sariwa at dalisay.
Kung ang tubig na malapit sa iyo ay stagnant, polluted o marumi, maaari itong mag-interact sa water chi ng iyong katawan sa paraang magpapasama sa iyong kalusugan.
Saan mang lugar na may tubig, makatutulong kung ang kwarto ay may mga bintana.
Ang tubig ay ideyal na dapat nakalagay sa east o south-east part ng inyong bahay, na kung saan ang water chi ay susuporta sa wood chi ng east at south-east.
Kung hindi ito matatamo, maaari mong i-harmonize ang chi sa pamamagitan ng paglalagay ng missing element.
Para sa tubig sa:
* South – maglagay sa malapit nito ng mga halaman
* South-west – maglagay ng mga halamang nakatanim sa metal containers
* West – maglagay ng halaman na nakatanim sa clay and metal containers
* North – maglagay ng halaman na maaaring tumubo rito.
ni Lady Choi