Friday , November 15 2024

Estudyante todas sa holdap suspek arestado

ARESTADO ng mga awtoridad ang suspek sa pagholdap at pagpatay sa isang 17-anyos estudyante sa Quiapo, Maynila kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Richard Tenorio, 32, miyembro ng Batang City Jail, naninirahan sa P. Sevilla St., Calooocan City.

Habang ang biktima ay si Renzo Rey Boboy, estudyante ng University of Manila, at residente sa Zamora St., Pandacan, Maynila.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong 6:30 a.m. papasok sa eskuwela ang biktimang sakay ng isang pampasaherong jeep papuntang Quiapo, nang sumakay rin ang suspek.

Ngunit pagsapit sa Quezon Bridge, hinablot ng suspek ang bag ng biktima. Pumalag ang biktima kaya sinaksak ng suspek.

Bagama’t sugatan, tumalon mula sa jeep ang biktima ngunit sinundan siya ng suspek at muling inundayan ng saksak at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Samantala, natunton ng mga awtoridad ang suspek sa kanyang bahay sa Caloocan City at agad naaresto. 

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *