SINA Ambra at Jennifer ay maaaring kambal, ngunit hindi.
Sila ay nagkakakilala lamang kamakailan bilang bahagi ng “Twin Strangers” project, naglalayong mapagkita ang mga magkakamukha sa buong mundo.
Si co-founder Niamh Geany, naglunsad ng proyekto sa Ireland kasama ng dalawang kaibigan, ay pinagkita na ang dalawang babaeng magkamukha – na ang isa ay nakatira lamang sa hindi kalayuan.
Ang huling ‘doppelgangers’ na pinagkonekta ng proyekto ay mga Amerikano.
Si Ambra, 23, mula sa Fayetteville, North Carolina, ay bumiyahe patungo sa Spring, Texas, upang makilala ang 33-anyos na si Jennifer. At ang pagkakamukha ng dalawang babae ay nakamamangha.
“When I finally met her it was like, ‘Oh my goodness … She really does have my face,’” pahayag ni Ambra sa YouTube video na nagdokumento sa kanilang pagkikita. “I was awestruck the moment I saw her face in person. I did not want to take my eyes off her.”
Sa nasabing video, ang ina ni Jennifer na si Karen ay nagulat sa pagiging magkamukha ng dalawa, partikular na nang maglagay nang magkaparehong make-up at magsuot nang magkaparehong damit ang dalawa.
“You’re my daughter!” pahayag ni Karen. “Your smiles are the same … I want to see your family tree.” (THE HUFFINGTON POST)