Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Pinansin ng crush sa dream

00 PanaginipGud pm Señor H,

Ako si Sarah, paki-interpret naman po ‘yung panaginip ko. Nilapitan daw ako ng crush ko 4 na taon ko na siyang gusto, tapos sinabihan niya raw ako na mahal niya ako at naging kame sa panaginip ko! Pero sa personal, di kame nangingitian at di rin kame nag-uusap. Ano po ba ang ibig sabihin nun? Hintayin ko po ito sa Hataw and pls. don’t post my number. Thanks and God bless

To Sarah,

Maaaring ang bungang-tulog mo ay nagpapakita ng literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong crush mo. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung laging laman siya ng iyong isipan, natural na napakalaki ng posibilidad na mapanaginipan mo siya. Ito ay maaaring paalala rin sa iyo na ngayon na ang tamang panahon upang ipaalam mo ang iyong pagkakagusto sa kanya, lalo na kung sa panaginip mo ay maganda ang nakikita mo o maayos ang tema nito. Kahit sabihing babae ka, maaari mo namang iparamdam ito sa paraang hindi bulgar at hindi ka magmumukhang cheap. Pero ang mahalaga, malaman mo ang nararamdaman din sa iyo ng crush mo, para kung ikaw man ay gusto rin niya o hindi, at least ay makakapag-move-on ka na at hindi na mauubos ang oras mo ng kaiisip sa kanya at kung ano ang feelings niya talaga sa iyo.

Kapag nanaginip na may nagsabi sa iyong ‘Mahal Kita’ o ‘I Love You,’ ito ay nagsasaad na handa ka nang magmahal o gusto mong magbigay ng pagmamahal. Ngunit kung first time mong papasok sa ganitong relasyon, mas mabuting huwag magpadalos-dalos sa bawat mahalagang desisyong gagawin.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …