GAMIT ang kanyang candle-shaped fingers with polished nails ay binilang ni Liza Soberano ang kanyang commercial endorsements to date: 13 na raw.
Ang latest sa mga ito ay ang pag-eendoso sa Nails.Glow, a holistic spa and salon sa ilalim ng kompanyang NDG.
Liza bested other celebrities her age na siyang kinalabasan ng isinagawang research by a team commissioned by the Opena-owned salon bilang top-of-mind endorser. Nanguna rin si Liza sa mga focus group discussion among selected franchisees and customers bilang angkop na modelo nito.
Sa harap ng press, nagkakaisa ang mga ito sa obserbasyon na sa kabila ng tinatamasang kasikatan ng alaga ng kaibigang Ogie Diaz, Liza’s feet are still firmly planted on the ground.
Kaya ba ang mga commercial endorsement na dapat sana’y napupunta sa kanyang mga kapwa young actress ay sa kanya iniaalok? ”Ewan ko po,” ani Liza na punumpuno ng humility at sincerity.
Samantala, in the future ay malamang na bigyan din ng franchise si Liza to manage her own Nails.Glow branch. Isa lang ‘yon sa dumarami pang blessings that this girl rightfully deserves.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III