Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, kinikilig sa KathNiel, LizQuen at JaDine

082115 ria atayde ningning

00 Alam mo na NonieAMINADO si Ria Atayde na super crush niya si Piolo Pascual. Hindi lang dahil sa guwapings si Piolo, pero dahil daw sa kabaitan din ng Kapamilya star.

“Forever! Alam naman niya iyon, e! Sobrang bait kasi ni Kuya Piolo, sobra! Wala akong masabing masama at all. Sobrang ten siya sa kaguwapuhan at pati po sa ugali. Defintely, sa looks at ugali, sobrang bait kasi niya talaga.

“Kasi si Kuya Piolo, kung makikita mo siya, maaalala ka niya kahit matagal na kayong hindi nagkikita, hindi siya nakakalimot. Sobrang ang gaan ng pakiramdam kapag kasama mo siya, e,” masayang pahayag ni Ria.

Kung makakasama raw niya sina Piolo at John Lloyd Cruz sa isang project ay sobra siyang matutuwa. ”Sobra po akong matutuwa!  Kunwari sasabihin nila na makakasama ko sina Piolo at John Lloyd sa isang pelikula o teleserye, ay, sige lang! Kahit alalay lang, okay lang sa akin!” nakatawang wika pa niya.

Ipinahayag din ni Ria kung kaninong love teams siya kinikilig. “Kinikilig ako ng sobra sa mga love teams na KathNiel, LizQuen, at JaDine. Pero ang ultimate love team ko forever, Marvin and Jolina! Sobra! Grade 2 or Grade 3 yata ako, pinapanood ko na sila, e.”

Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Ria sa pahayag ng kanyang Kuya Arjo Atayde na ayaw niyang makipag-boyfriend ito sa taga-showbiz.

“Iyong kuya ko naman, alam ko na may dahilan siya kung bakit ganoon ang sinasabi niya. Bilang close kami ng sobra at wala kaming sikreto sa isa’t isa, nirerespeto ko po iyon.

“Kung ayaw niya, alam kong mahihirapan din akong kumuha ng suporta sa kanya. So, bakit po ako susuway sa ganoon? Ayaw ko pong mangyari iyon, so okay lang sa akin. Iyong dahilan niya ay ayaw niyang sabihin, e. Pero okay lang po sa akin, carry lang.”

Paano kung hindi maiwasan na ma-in-love ka sa taga-showbiz?

Sagot niya, “Iyon lang, kakausapin ko po si Arjo, hindi ba? Sasabihin ko sa kanya na iyon talaga ang gusto ko. Pero so far, wala pong nangyayaring ganoon.”

Si Ria ay gumaganap bilang Teacher Hope sa top rating TV series na Ningning sa ABS CBN na pinagbibidahan ng child star na si Jana Agoncillo.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …