Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbubuntis ng GF, blessings sa career ni Michael

070615 Michael Pangilinan

00 SHOWBIZ ms mITINUTURING namang blessings ni Michael Pangilinanang pagbubuntis ng dating dating GF dahil nakuha bilang isa sa celebrity performers sa Your Face Sounds Familiarna mapapanood na sa Setyembre 2.

Hindi naman sa kinukunsinte ng manager ni Michael na si Jobert Sucaldito ang nangyari sa kanyang alaga, pero hinangaan niya ang alaga niya sa desisyon nitong panagutan ang nangyari.

“At his age, (Michael 19), hindi ko akalain na ganoon ang magiging desisyon niya. Hindi naman sa dapat pang i-praise ang ginawa niya pero dapat lang ang desisyon niyang panagutan. Blessings ‘yun from above, baby ‘yun,”sambit ni Jobert.

“Siyempre po nagulat ako nang malaman ko at kausapin ako ng GF ko. (Na sa kasalukuyan ay wala na pala silang relasyon at good friends na lang sila). Pero sinabi ko agad na pananagutan ko ang bata. Ginawa ko ‘yun, namin. Ayoko namang pumatay. Siyempre naisip ko rin ang career ko. Pero mas nangibabaw ‘yung blessings ‘yun from above,”giit ni Michael na hindi naman daw hiniling ng GF na pakasalan niya. ”Basta po nag-usap kami na susuportahan ko siya hanggang sa makapanganak at siyempre magbibigay ako ng support para sa bata.”

Nauna pala ang balitang nabuntis ang dating GF bago ang pagkakuha kay Michael bilang isa sa celebrity performer sa YFSF. ”Kaya po blessings ang nating tingin ko sa nangyari roon,” paliwanag pa ni Michael na wala naman daw magbabago sa mga naka-line-up na trabaho sa kanya.

Sa kabilang banda, humanda sa mas level up pang pasabog at transformations na tiyak na magbibigay ng concert like experience sa pangugnuna ng host na si Billy Crawford at ang bagong KatroFamiliar na si Melai Cantiveros, ang unang YFSF grand winner.

Makakasama ni Michael sa YFSF bilang celebrity performers sina Sam Concepcion, KZ Tandingan, Cacai Bautista, Michael Pangilinan, Myrtle Sarrosa, Eric Nicolas, Kean Cipriano, at Denise Laurel.

Magsisilbi pa ring jurors sina Gary Valenciano, Jed Madela, at Sharon Cuneta.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …