Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, pinaghahandaan na ang panggagaya ng boses

090415 michael pangilinan 2

MAGANDA ang pasok ng 2015 kay Michael Pangilinan na isa sa finalists sa Your Face Sounds Familiar.

When asked kung suwerte ang taon sa kanya, Michael said, ”Hindi ko po masasabi na nasa akin na ang lahat. Marami pa akong gustong patunayan. Lahat sinusubukan ko, theater (‘Kanser’), movie (‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’), and concert, lahat gusto ko talaga. Thankful ako sa ABS-CBN dahil binigyan nila ako ng chance nang mag-audition ako.”

Nakausap namin si Michael after ng Kilabot Meets Kilabot concert niya sa Music Museum.

Actually, mas pinaghahandaan pala ni Michael ang panggagaya ng boses sa Your Face Sounds Familiar kaysa panggagaya ng mukha ng celebrity na kanyang imi-mimmick. Kasi naman, trabaho na ang panggagayan ng mukha ng make-up artists.

At para walang pressure sa kanila, sinabi ni Michael na, ”Minsan nagbibiruan kami, kung sino ang manalo, hati-hati pagdating sa dulo. Hindi namin iniisip na kailangan mas magaling ako sa ‘yo. Kailangang gawin natin lahat ng kailangan nating gawin para makapagpasaya ng tao.”

Aminado ang binata na, ”mahirap sundan ang season 1 so ano ang puwede naming gawin na hindi kami bababa roon sa rating ng season one, na baka puwede pang mas tumaas.”

(Alex Brosas)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …