BERTO: Lolo hihingi sana ako ng payo sa’yo kasi ibebenta ko na ang mga anak ng mga baboy ko masyado na kasi marami…
LOLO: Oh apo ano bang gusto mong ipapayo ko tungkol saan?
BERTO: Ayaw ko kasi malugi lolo kaya payuhan n’yo ako kung anong dapat gawin ‘pag nagtatawaran na.
LOLO: Simple lng apo, ang DAAN maliit lang ‘yan, ang LIBO malaking halaga ‘yan kaya pag may narinig kang daan ‘wag kang pumayag pero ‘pag may narinig kang libo pumayag ka na hindi ka na lugi apo.
BERTO: Salamat lolo sa payo.
(At ibinenta na nga ni Berto ang mga biik sa mga barkada at nagtatawaran na).
BERTO: Pareng Nonong bilhin mo naman itong biik ko.
NONONG: Magkano mo ba pinagbebenta pareng berto?
BERTO: Isang libo
NONONG: Ang mahal naman anim na raan na lang!
BERTO: Huwag naman, pare…
NONONG: Sige, walong daan
BERTO: ‘Di pa rin pwede pare lugi ako
NONONG: Oh sige dagdagan ko siyam na raan siguro nman ‘di kna lugi…
BERTO: Lugi pa rin ako pare sige alis na ako sa iba ko na lang ibebenta ito…
NONONG: Sandali lang pare o sige na nga huling tawad ko na, KALAHATING LIBO.
(Napabulong si Berto sa sarili at naisip nya ang payo ng kanyang lolo pag may libo pwede na)
BERTO: Pare sa ‘yo na ‘tong biik. “owryt di mo ko maiisahan Nonong!”