PINAKIUSAPAN ni Maine Mednoza ang isang Twitter handler na ‘wag silang ipagkompara ni Kathryn Bernardo.
Nag-post ang isang @bimby_kalerQUI ng isang photo ng dilaw na plier at photo ni Kathryn na nakadilaw na damit with this caption, “Aren’t Maine Mendoza’s legs lovely? She’s not SAKANG unlike some other starlet we know… #ALDUBTheREVELATION.”
Agad-agad na sumagot si Maine ng ganito, “@bimby_kalerQUI friendly reminder: kung hindi maayos ang sasabihin sa kapwa mas mabuti pang wag na magsalita. Make love, not war.”
Marami ang pumuri kay Maine.
“Kudos to Maine for stepping up and calling on to haters. Yung iba kasi alam na Mali sinasabi ng mga fans nila pero tinotolerate padin nila.. Finally a breathe of fresh air.wag ka magbabago Ms. Maine.
“Classy and educated lady. Kaya siguro minahal ng mga tao si Maine kasi ibang iba umasta compare sa napapanood nating ibang young actress.”
“Ayan dapt ganyan, hindi yung kinukunsinti pa ang fandom kaya lalong nagiging warfreak! To think na postive compliment ang kay Maine dito. This is against K, but pinagtanggol parin ni Maine, go AlDub! Nakak bilih lang.. Really a breath of fresh air! Ibang iba sa ibang fandom na nakasanayan na ntin dito sa pinas, mga warfreaks.”
UNCUT – Alex Brosas