Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca Manalo agaw-eksena sa JaDine!

090115 Bianca Manalo
Dreamscape Televison’s On the Wings of Love is but certainly a vehicle for the JaDine (James Reid and Nadine Lustre) tandem. Swak na swak sa personalidad ng dalawang bagets kaya kinagigiliwang panoorin nang nakararami.

Inasmuch as the duo are not deluding their followers into the false belief that there’s more than meets the eye in as far as their off-cam relationship is concerned, their on cam performance would palpably more than suffice.

But “On the wings of Love” is a vehicle not solely for the JaDine followers. It also tells the story of an unwed mom who is most devoted to her family as well in the person of the comely and gorgeous Bianca Manalo.

Lately, marami na rin ang naku-cute-tan sa tandem nila ni Nico Antonio.

Oo nga’t hindi naman siya tipong matinee idol tulad ni James pero simpatico naman ang kanyang personalidad at may kilig din silang dalawa ni Bianca. Hahahahahahahahaha!

Napanonood nga pala ang “On the Wings of Love” right after Pangako Sa ‘Yo.

IDOLITO DELA CRUZ THE SINGING CHAMP

090115 Idolito Dela Cruz

Ang singing champion ng April Boy Regino’s Umiiyak Ang Puso sa “Sang Linggo NAPO Sila” at champion din sa singing contest ng April Boys sa Eat Bulaga na si Idolito Dela Cruz ay may sariling album na ngayon.

Simply titled “Ngayong Nandito Ka Na… Idolito Dela Cruz” limang original songs ang nakapaloob sa album gaya ng carrier single na Ngayong Nandito Ka Na. Nandiyan din ang Lumaban Ka, All The Time, Itaga Mo sa Bato, at Mundo Ay nagbago. Ito ay prodyus and distributed by DB Energy Music Co.

Looking back, Idolito was barely nine years old when he started out as a singer.

Mahilig din siyang mag-compose kaya apat sa kanta niya sa album ay siya rin ang sumulat. May pinag- huhugutan daw siya sa paggawa ng kanta kaya nakabuo na siya ng almost 300 songs. ‘Yung apat na kanta na isinama niya sa kanyang album ay napapanahon daw at dapat mapakinggan ng netizens.

‘Yung kantang “Ngayong Nandito Ka Na” ay handog niya sa kanyang one and only love. Hindi pa raw sila kasal pero magdadalawang taon na silang mag-on. Nakare-relate sila sa kanta dahil noong mga bata pa sila ay pinaghiwalay raw sila, may nag-abroad at hindi nila alam na sila rin ang magkakatuluyan. Hindi pa sila sure sa mga feelings nila noong araw dahil crush lang nila ang isa’t isa.

“Pero nang magbalik siya naramdaman namin ‘yung same feelings after two decades yata,” kuwento pa ni Idolito.

Si Idolito ay mina-manage ngayon nina Benjie Pe Benito at Dennis Dela Cruz.

Screen name lang ba niya ang Idolito?

“Totoong pangalan ko ito,” he asseverates.

Kilala ang pamilya nila sa Pampanga na idol ng mga kababayan nila.

“Actually, hindi naman talaga ako ang iniidolo ng mga taga-Pampanga kundi yung erpat ko (29 years na Lupon sa Barangay nila pero parang buong Pampanga ang nangyari). Para siyang Robinhood. Sobra ‘yung pagtulong niya at ako ‘yung sidekick. Tapos tinatawag akong idol. Ako ‘yung laging inuutusan ni daddy at the same time lagi akong sumasali sa mga contest. Laging champion.

“’Yung time na ‘yun kasi nagpa-contest ang Sang Linggo NAPO Sila para sa kanta ni April Boy Regino, nanalo ako. Ang Eat Bulaga nagpa-contest din sina Vingo at Jimmy (April Boys), nag-champion din ako,” kuwento niya.

Pansamantalang tumigil siya sa pagkanta noong 2009 dahil namatay raw ang parents niya. Parang nawala raw lahat ang mga pinaghuhugutan niya at inspirasyon.

Pero noong second death anniversary ng daddy niya naalala niya ‘yung sabi ng tatay niya na ituloy ang mga pangarap niya sa pagkanta. Alam daw kasi ng daddy niya ang kanyang determinasyon at passion sa pag-awit.

Ngayon ay naggi-gig daw siya sa Pampanga.

Nadiskubre rin siya nina Benjie at Dennis noong mag-record siya ng kanta para sa theme song ng indie movie na Mga Batang Hamog. Doon siya nadiskubreng gumawa ng album dahil may potensyal daw na maging recording artist. Fulfilment para kay Idolito na magkaroon ng sariling album.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …