Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ER Ejercito, talbog ang mga trapo!

082715 pete ER ejercito

Marami ang nalungkot talaga nang bumaba si ER Ejercito bilang gobernador ng Laguna. Teary-eyed talaga ang karamihan sa kanyang loyal followers at kasama na kami roon.

Honestly, we’ve known Gov. ER since the 80s when he was still a struggling young actor in the industry who, for quite sometime, did try to court our protegee that time Ms. Snooky Serna.

Hahahahahahahahahahaha! Mag-nostalgia ba?

Anyway, it really broke our heart to see him leaving his gubernatorial office in Laguna to become an ordinary citizen once again. Nakalulungkot lang isiping kung sino pa ang nakaiintindi sa sad plight ng entertainment press at ng mahihirap na Pinoy as a whole, ay siya pang nawawala sa pwesto.

Sa totoo, bagama’t wala kami sa panahong nagra-rally ang kanyang mga kapanalig para ipro-testa ang sang-ayon sa kanila’y unfair na pagpapaalis kay Gob. ER sa pwesto, tahimik naman kaming nagdarasal na sana’y maging maayos na ang lahat at matagpuan muli ni Gob. ER ang katahimikan.

Kung bakit kasi ‘yung mga kurakot diyan ang hindi natitimbog. ‘Yung kunwa-kunwari ay mapagmahal sa mahihirap pero mga numero unong karakot at sa abroad inilalagay ang kanilang daang milyones.

Hindi ba naman, Peter Ledesma, my bff? Hahahahahahahahahahaha!

Kapalistik ever!

At any rate, I’m not about to contest the decision of the court because they must have some valid reasons in their decision to oust the former governor out of office.

Sa ganang akin lang siguro, nami-miss ko lang ang company ni Gov. ER na noong time na nasa posisyon pa siya ay napakamatulungin talaga sa press at napakagalante sa tuwing magkakaroon siya ng press cons at Christmas party.

Kung ‘yung ibang mga artista na naging mga politicians ay pekenese ang mga pag-uugali, I should know because I know of one who’s exactly the paradigm of plasticity, si Gov. ER ay talagang level-headed at kanyang namana ang likas na pagkabukas-palad ng kanyang paternal uncle na si Mayor Joseph Estrada.

Sa totoo lang! Hahahahahahahahahaha!

Anyhow, hinihintay nang nakararami (hayan Chakitah, salitang ugat ang inuulit, tonta! Tonta raw, o! Hahahahahahahahahahahaha!) ang pagbabalik ng Lawin. Sang-ayon sa mga taong aming nakakausap, muli raw tatakbo si Gov. ER sa darating na eleksyon.

Nakatutuwa naman.

Sabi ng kanyang mga katropa’t kaibigan, hintayin daw namin ang pagbabalik ng lawin.

Oo nga naman. Sa darating na eleksyon, pa-tutunayan ni Gob. ER na siya talaga ang may K sa posisyong inagaw sa kanya ng iba.

Anyway, labis sigurong ikagagalak ng mga GAKA kung makababalik sa pwesto ang makataong gobernador.

Kung sagad sa buto (sagad sa buto raw talaga, o! Hahahahahahaha!) ang pagkairita nila sa nakakalbong si Kaplog-Bateh, si Gob. ER ay talaga namang wini-welcome sila sa kanyang presscons at pinakikisamahan nang mabuti.

Going back to Gov. ER, you may not be aware of it but your friends from the press have never ceased loving you. Yes, we love you because of your kindness, loving ways and very humane actuations.

God speed, Governor. Looking forward to seeing you again!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …