Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Bahay at kidlat sa panaginip

00 PanaginipGud am Señor,

Nagdrim aq about sa bahay namin tas po ay bigla namang kumidlat dw, bakit p ganun drim ko? Ano ang meaning kaya nito? Tnx po, dnt post my cp # I’m Leandro.

To Leandro,

Kapag nanaginip ng bahay, ito ay nagsasaad ng iyong sarili at ng iyong kaluluwa. Ang mga specific na bahagi o kuwarto ng bahay ay nagpapakita ng specific aspect of your psyche. Sa pangkalahatan, ang attic ay nagre-represent ng iyong talino, ang basement naman ay nagre-represent ng unconscious side mo, at etc. Kung ang bahay ay walang laman, ito ay nagpapakita ng feelings of insecurity, kung ito naman ay nagbabago, may kaugnayan ito sa mga personal na pagbabagong iyong pinagdadaanan o pagdadaanan pa lamang, pati na ng pagbabago ng iyong belief system. Kung ikaw naman ay nakulong sa bahay, ito ay may kaugnayan sa rejection at insecurity. Pakiwari mo, ikaw ay napag-iiwanan o iniwanan ng iba. Kung lumang bahay ang napanaginipan mo, ito ay nagsasaad ng iyong old beliefs, attitudes at kung paano ka rati mag-isip o makadama. Alternatively, ang lumang bahay ay maaaring simbolo ng pangangailangan mong i-update ang iyong mode of thinking. Sakali namang nakita sa panaginip na nasira o may damage ang inyong tahanan, indikasyon ito ng iyong pag-aalala sa kalagayan at kondisyon ng inyong tahanan sa estadong ikaw ay gising o sa totoong sitwasyon.

Ang kidlat naman sa panaginip ay may kaugnayan sa sudden awareness, insight, spiritual revelation, truth, at purification. Alternatively, ang kidlat ay nagpapahiwatig ng shocking turn of events. Maraming mga puwersang sumasaklaw sa iyong buhay na maaaring wala kang kontrol at ito ay maaaring destructive. Kapag nanaginip na ikaw ay tinamaan ng kidlat, ito ay sumisimbolo sa irreversible changes na mangyayari sa iyong buhay. Ikaw ay sumasailalim sa permanent transformation.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …