NO to VP, yes to Congress. Ito ang tahasang ipinahayag ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto para once and for all ay matahimik na ang isyu kung tatakbo siya sa ikalawang pinakamataas na puwesto sa 2016.
Known for her candor, Ate Vi says na napakabigat na responsibilidad ang maging next to the President. “Local, puwede pa, like sa lone district ng Lipa, pero VP, hindi ko pinangarap. I’m not even entertaining the thought.”
By 2016, Ate Vi shall have completed her three straight terms bilang Inang Bayan ng Batangas, idagdag pa ang nakompleto niyang tatlong termino as Lipa City Mayor. “Sa totoo lang, malaking sakripisyo ‘yon alang-alang sa public service.”
Her sincerity comes from the fact na isa siyang maybahay kay Senator Ralph Recto at ina sa kanyang dalawang anak, sina Luis at Ryan.
Pero hangad ni Ate Vi na kung sinuman ang tumakbo at papalaring maging VP, “He or she has to work hand in hand with the President. Hindi kakayanin ng isang tao lang, there has to be team work,” ani Gov. Vi na aminadong inuudyukan ng lahat ng mga mayor sa Batangas na tumakbong VP.
HOT, AW – Ronnie Carrasco III