PAANO pa tatakbong bise presidente si Gov. Vilma Santos kung sa mga reporter na nakatulong naman kahit paano sa kanyang career ay mukhang may sakit siyang amnesia kaya lantaran niya kung deadmahin sa mga imbitasyon niya sa mga presscon, set visit o ano mang event na bida siya.
Tinawagan pa niya nang personal ang mga gusto niyang papuntahin sa shooting ng latest
movie niya sa Star Cinema.
Grabe, madali na lang yata para sa gobernadora ang kalimutan ang mga press people na ating tinutukoy at kabilang na sa kanila ang Bff kong si Pete A., na todo-todo ang naging suporta noon sa kanya na daily basis pa kung isulat siya sa lahat ng activities niya.
Aminado kami na bukod kay Sharon Cuneta na itinuturing naming ina-inahan sa showbiz ay favorite rin namin ang nasabing actress-politician.
Pero nang deadmahin niya ang mensaheng ipinadala namin sa kanya, na parang hindi nga kami nag-i-exist sa buhay niya. Siguro tulad ni Pete at iba pa ay tamang panahon na para kalimutan ang sweet kunong aktres sa harap ng kamera.
I’m telling the truth, nothing but the truth lang gyud!
ENCHONG, RAYVER AT SAM ANG TATLONG ANGHEL NA TUTULONG KAY NATHANIEL SA PAGSUGPO SA KASAMAAN NGAYONG GABI NA SA PRIMETIME BIDA
Palala nang palala ang paghahagsik ng kasamaan ni Gustavo (Baron Geisler) ang negosyanteng sinaniban ng kaluluwa ni Ramon Roman (Leo Martinez).
Matapos na mabigong mapasakanya ang kaluluwa ni AVL (Coney Reyes) na tinulungan ng Diyos at ni Nathaniel para mabuhay mula sa pagkaka-coma ang panganay ni AVL na si Paul Laxamana (Gerald Anderson) ang patuloy na tinututokan ni Gustavo na ganid na sa pera at kapangyarihan dahil sa impluwensiya na rin ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Gusto nang magbago ni AVL at ikinakalat na niya ang kabutihan sa lahat ng mga miyembro niya sa Business Club pero mahigpit naman itong tinututulan ni Paul dahil makasisira raw ito sa kanilang kompanya.
Hanggang nasasangkot na naman ngayon sa isang kontrobersiya si AVL dahil siya ang itinuturong nag-utos sa vehicular accident na nangyari noon kay Paul at sa asawang si Rachel (Shaina Magdayao) na ikinamatay nga ng anak ng dating mag-asawa na si Nathaniel (Marco Masa).
Dahil dito, muling nakulong si AVL at tuluyan na siyang kinamuhian ni Paul ganoon na rin ni Rachel na sobra ang galit na nararamdaman ngayon sa kanya.
Samantala, ngayong gabi, ay masisilayan ng TV viewers ng nasabing top-rating fantasy inspirational drama series ang pagbaba sa lupa ng tatlong anghel na sina Enchong Dee, Rayver Cruz at Sam Milby. Sila ang mga tutulong kay Nathaniel sa pagsugpo sa kasamaan na naghahari ngayon sa Bayan ng Laging Saklolo ang lugar na sentro ng misyon ni Nathaniel kasama ang nag-aruga sa kanyang pamilya Bartolome.
Umeere ang Nathaniel weeknights sa ABS-CBN Primetime Bida after TV Patrol.
LUKE MEJARES, ITINANGHAL NA WEKLY WINNER SA #BULAGAPAMORE#VSTPAMORE SINGER WAGI NG 1OO K
Ang mga original na miyembro ng VST and Company na sina Tito, Vic and Joey ang mga tumayong judges noong Sabado sa Grand Finals ng Throwback segment sa Eat Bulaga na #BulagaPaMore#VSTPaMore na ang mga naglalaban-laban sa finals ay sina Bryan Termulo, Kristoffer Martin, Duncan Ramos at ang itinanghal na grand winner na si Luke Mejares na tunog VST ang dating nang kantahin ang isa sa classic hit noong late 70s ng grupo na “Tayo’y Magsayawan!”
Naturi-ngang RNB singer itong si Luke pero gayang-gaya niya ang Manila Sound ng VST kaya naman siya ang nakapag-uwi ng premyong cash na tumataginting na 100K.
Dahil sa segment, ay nabuhay ang pagkasabik ng Dabarkads sa OPM hits noong 70s and 80s na sabi nga ay hindi pwedeng ipagpalit sa mga musika ngayon na maingay at minsan masakit sa tenga.
Abangan ang mga magpapaligsahan mamaya sa bagong contest sa #BulagaPaMore
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma