Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

#KalyeSerye ng AlDub, hiniling gawan ng DVD version

082015 Aldub kalyeserye

00 SHOWBIZ ms mIBANG klase na talaga ang kasikatan nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza na bida sa #KalyeSeryeng Eat Bulaga!. Hindi mo na mabilang ang mga tahanang tumututok sa kanila tuwing tanghali gayundin ang mga kinikilig sa mga pabebe moments nila.

Ang latest, bukod sa marami ang naghihintay sa pagtatagpo ng AlDub na mangyayari raw sa tamang panahon, may nagre-request na fans na magkaroon ng DVD ang #KalyeSerye. Para siguro ito sa mga nag-oopisina o mga pumapasok sa school na hindi nakakatutok dito.

Bagamat maaari mo namang mapanood ito sa Facebookaccount ng Eat Bulaga, iba pa rin siyempre ang tuloy-tuloy o sa pamamagitan ng DVD.

Sa totoo lang, hindi lang naman kasi pagpapa-cute o puro ukol sa ligawan ang #KalyeSerye. May good values din ang naituturo nito sa atin tulad ng tinuran noon ni Lola Nidora na hindi nadadala ang lahat sa madalian. Tila ibinabalik pa nga rin dito ang tamang paraan ng panunuyo o kung paano ligawan ang mga babae.

Naitanong namin kay Ms. Malou Fagar, Senior Vice President and COO  ng TAPE Inc., Eat Bulaga, ang ukol sa request na DVD, at sabi niya’y itse-tsek niya ito kung posible. Kaya sa fans na humihiling ng DVD, wait lang tayo malay n’yo mapagbigyan ang request na ito.

Iba na talaga ang AlDub. Bukod sa marami ang gustong lagi silang makita at mapanood, inile-level na rin sila saKathNiel, Jadine, at LizQuen na hindi naman imposible dahil napakarami na rin talaga ng kanilang fans.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …