Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Voice Male, bagong grupong kakikiligan at hahangaan

081915 voice male

00 SHOWBIZ ms mNAGULAT kami at hindi namin akalain na ganoon na pala karami ang fans ng bagong grupong Voice Male na naglunsad ng kanilang kauna-unahang self-titled album noong Sabado sa Fisher Mall activity center.

Ang Voice Male ay binubuo ng apat na tin-edyer na ang dalawa ay finalists sa isang talent search ng ABSCBN. Ito’y sina Carl Williams Ignacio at Clark Dizon. Si Carl ay graduate ng kursong Electronics and Communications Engineering sa University of the East, Manila at choir member noong hay-iskul. Kasama siya sa grupong Full Force at naging champion sa Eat Bulaga’s singing Dabarkads noong 2009. Si Clark naman ay college graduate rin sa ABE na marami nang commercial ang nilabasan. Dati rin siyang lead vocalist ng grupong Pilyo at grand finalist ng Gandang Lalake ng It’s Showtime.

Dahil sa karisma at pagiging hawig daw ni Kean Cipriano kaya marami ang nahuhumaling kay Darwin Moreto na IT graduate at nakalabas na sa The Ryzza Mae Show, Eat Bulaga, Bubble Gang, Bingit, at Master Showman’s Walang Tulugan.

Ang pinakahuli naman ay si Ron Dales na nagmula sa Pardo, Cebu City na nag-aaral sa Pamantasang Lungsod ng Muntinlupa na kumukuha ng kursong AB Psychology. Choir member ng Sepulcro Parish sa Landayan, San Pedro, Laguna si Ron at na paboritong singer sina Gary Valenciano at Martin Nievera.

Marami nang TV at radio guesting ang grupo pagkatapos ng kanilang album launching.

Dalawa sa limang tracks ng album ay sinulat ng aktres na si Rita Avila, ang isa ay sinulat naman ni Joy Silverio, at ang iba’y isinulat ng grupo. May regular weekly (weekend) mall show ang Voice Male sa The Fisher Mall at maraming out- of-town shows, pageants, fiestas, festivals, at special events.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …