Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nathalie Hart, game mag-nude sa matinong pelikula!

081915 Nathalie Hart princess snell

00 Alam mo na NonieAMINADO si Nathalie Hart na daring ang papel niya sa indie film na Balatkayo (White Lies). Isang OFW siya sa Dubai sa pelikulang ito na bukod sa boyfriend niya ay papatol din siya sa lalaking may-asawa.

“It’s probably the most daring, I think because I have two partners that I have kissing scene. I’m not sure if I have a love scene with both of them, but nevertheless I haven’t done it in my previous movie roles.

“I’m scared pero of course my director will guide me,” saad ng magandang talent ni Leo Dominguez.

Idinagdag pa ni Nathalie na excited siya sa unang sabak niya sa indie film.

“I’m so excited. Kasi sa first indie film ko, daring talaga ang role ko. I’m very excited pero I’m scared din at the same time, dahil nga sa papel ko rito.”

Ang Balatkayo ay mula sa BG Productions International ni Ms. Baby Go with Dennis Evangelista as supervising producer. Ito’y pamamahalaan ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan. Bukod kay Nathalie, tinatampukan din ito nina Aiko Melendez, James Blanco, Rodjun Cruz, Bryann Foronda, at iba pa.

Hanggang saan ang kaya niya sa pagpapa-sexy? “Basta kailangan sa istorya, gagawin ko. Open ako kahit sa ano,” nakangiting sagot niya.

Game ka ba sa nude scene?

“Actually to be honest with you, yeah. I mean, kung nude lang para magpakita ng katawan, hindi, pero kung nude na kailangan talaga sa istorya, okay lang sa akin.”

Pero nilinaw din ni Nathalie na hindi ibig sabihin na palaban siya sa paghuhubad ay basta-basta na lang siyang magbibilad ng katawan sa pelikula.

“I mean, kapag napakaganda talaga ng istorya na kailangan ko mag-nude, okay lang sa akin. Pero hindi naman ‘yung ipapakita ko na talaga iyong buong private parts ko. Puwede naman nating gawan ng paraan, puwede namang implied.

“Pero, kung kinakailangan lang talagang maghubad at hindi iyong basta lang makapaghubad. Of course, ang gusto ko namang mas mapansin ay kung ano ang kaya kong ipakita pagdating sa acting,” diin pa ng 23 year old na Fil-Australian aktres.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …