KUNG nais mong dalhin sa lilipatang bahay ang carpets, i-shampoo ang mga ito dahil dito sumisiksik ang karamihan sa mga alikabok at dito rin napupunta ang stagnant energy. Mas mainam din kung huhugasan ang mga dingding kung nais n’yong gawin.
Makatutulong ang hand bells upang mabulabog ang luma at stagnant chi. Kumuha ng hand bell at patunugin ito sa bawa’t kanto at saan mang lugar na karaniwang sumisiksik ang mga alikabok. Makatutulong ang sound waves upang muling mapakilos ang chi at hihikayat ng sariwang chi patungo sa mga eryang ito. Bilang alternatibo, maaari mong ipalakpak ang iyong mga kamay habang humihinga nang malalim upang mapabilis ang pagkilos ng chi.
Ibabad ang old chi ng inyong bagong bahay sa pamamagitan ng asin. Ibudbod ang asin sa sahig bago matulog. Sa umaga, i-vacuum o walisin ang asin at ilabas ito mula sa bahay upang mawala ang negative energy. Maaari mong ulitin ang prosesong ito nang ilang beses, hanggang sa maramdaman mong ang bagong lugar ay nagkaroon na ng fresh, clean atmosphere.
ni Lady Choi