Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, nakabili na ng bahay dahil sa kabi-kabilang pagraket

081715 kitkat

00 SHOWBIZ ms mKAHANGA-HANGA ang kasipagan ng komedyanang si Kitkat. Hahangaan mo ang babaeng ito dahil talagang gagawin ang lahat at papasukin ang anumang trabaho para lamang makamit ang matagal nang minimithi, ang magkaroon ng sariling bahay at lupa.

At kamakailan, natupad ang pangarap na ito ni Kitkat. Nakabili na siya ng bahay sa may Greenwoods, Pasig.

“Thank God, finally nabili ko na ang bahay na pinapangarap ko. By next month maglilipat na kami,” masayang kuwento sa amin ni Kitkat nang magkita kami sa KeriBeks Congress, The First National Gay Congress na isinagawa sa Araneta Coliseum at isa siya sa mga nagbigay kasiyahan sa mga beki.

“Katas ng pagsisikat kaya kailangan ko pa lalong magsikap,” giit pa ni Kitkat.

Dito mo naman hahangaan ang babaeng ito dahil talaga namang walang reklamo sa paghataw sa trabaho. Katunayan, madalas na nasa mga event si Kitkat at rumaraket bilang host o kumakanta. Bukod pa ang mga TV show na nilalabasan niya. Katatapos lamang niyang umapir sa Wattpad Presents ng TV5 at sa kasalukuyan, nagte- taping na sila ng The First Daughter sa GMA7 na ipalalabas sa September.

Ang The First Daughter ani Kitkat, ay isa sa malaking break na ibinigay sa kanya dahil, “kasama ko rito si Ryzza Mae Dizon. Bale papalit ‘ata ito sa ‘Ryzza Mae Show’. Ako ang secretary ng presidente ng Pilipinas na ginagampanan ni Eula Valdez. Mali-mali ang role ko at takot kay Eula, hahaha,” paglalarawan ni Kitkat sa magiging karakter niya sa bagong serye ng Kapuso Network.

“Masaya ako na nakakaraket ako sa ABS-CBN, TV5, at GMA7. Kahit saan ako puwede go lang ng go. Masuwerte nga ako kasi kahit saang network puwede ako. Kung saan may trabaho go ako,” giit pa ni Kitkat.

Bagamat dumaraan din sa mga pagsubok lalo na sa usaping puso, masaya pa rin si Kitkat dahil sa mga blessing na dumarating sa kanya. “Parte  na ‘yan ng buhay. Basta masaya ako na patuloy akong nabi-bless ni Lord. At salamat sa mga nagtitiwala sa akin. Sa mga nagbibigay ng trabaho.”

 SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …