Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

It’s Showtime, isang buwan nang dehado sa ratings ng Eat Bulaga!

072815 alden yaya dub
REPORTEDLY, isang buwan nang dehado sa ratings ang It’s Showtime sa katapat nitong Eat Bulaga sa daily noontime time slot.

Blame it on the AlDub fever (si Alden Richards at si Yaya Dub) na tinututukan ng buong bayan. Kung tutuusin, partida pa ang kinakikiligang tambalan as Alden and Yaya Dub haven’t yet met in person.

Kung tutuusin din, wala namang ginagawa si Yaya Dub kundi—as her name clearly suggests—mag-dub lang habang nagpapa-cute lang din naman si Alden with his killer dimples.

Sorry, pero biased kasi kami pagdating kay Alden. Mapaharap o talikuran ay hinahangaan namin ang aktor na ito—hindi lang sa kanyang work ethic o attitude—Alden is such a genuinely warm person.

At kung anuman ang mga biyayang tinatamasa ni Alden, he so well deserves them.

Uulitin namin, huwag lang susunod si Alden sa mga yapak ni Aljur Abrenica ay siya na ang uupo sa tronong babakantehin ni Dingdong Dantes bilang Primetime King ng GMA.

Tiyuhin ni Chiz, suportado ang pamangkin sa 2016

COINCIDENCE?

Sa aming tambayan gabi-gabi Pasay City, isang nagsosolong manginginom ang nasa kalapit ng aming mesa. With Spanish mestizo features, nagpakilala siya bilang Eddie Escudero, a 68 year-old retired banker and a self-confessed insomniac na tiyuhin pala ni Senator Francis “Chiz” Escudero.

Nagkataong katrabaho pa mandin namin ang misis ng mambabatas na si Heart Evangelista sa Startalk.

Ayon sa tinawag na naming Daddy Eddie, ang nanay niyang si Remedios at ang ama ni Chiz na si Salvador (nicknamed Sonny) were first cousins. Naging mas malapit nga lang daw siya sa tiyahin ni Chiz, si Claudia, kapatid ni Sonny, na magkasunod na namayapa.

Matagal nang paninirahan sa Maynila mula sa kanilang bayan sa Kasiguran, Sorsogon kung kaya’t he and Chiz were never close. ”At saka nahihiya rin akong lumapit at magpakilala kay sobrino (pamangkin) porke’t nasa puwesto siya,” aniya.

Gayunman, nais nang ipaabot ni Daddy Eddie ang kanyang suporta kung tatakbo man daw si Chiz sa mas mataas na puwesto. ”’Yung bahay ko, willing kong gawing headquarters ng pamangkin ko,” paniniyak ng tiyuhin ni Chiz.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …