SA paglilipat sa bagong bahay, makatutulong sa inyong pagsisimula ang pag-aalis sa lumang chi na naiwan doon ng dating mga nanirahan. Ang ideyal na panahon sa pagsasagawa nito ay habang ang bahay ay wala pang laman, bago ipasok ang lahat ng mga furniture.
*Habang nag-iimpake, sikaping alisin ang hindi na kailangan pang mga gamit, upang sa inyong paglilipat ay ang mga bagay lamang na inyong kailangan ang ipapasok sa bagong bahay.
*Ang pinakamadali at most dramatic na pagtatanggal sa lumang chi ay ang paglilinis nang husto sa bagong bahay. Ito ay mas madaling maisasagawa kung wala pang mga kagamitan sa loob nito. Sikaping mawalis ang lahat ng mga dumi at alikabok mula sa bawa’t kwarto. Mas maiging isagawa ito habang mainit ang sikat ng araw upang natural na sariwain ng sinag ng araw ang atmosphere roon. Buksan ang mga bintana upang mahikayat ang sariwang chi na pumasok sa inyong bahay.
ni Lady Choi