Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Nag-inom ng beer nalunod sa pool

00 PanaginipHello Señor H,

Ako c Wheng nanaginip ako na umiinom ng beer, tas nagtaka ako maya2 ay napunta ako sa pool at nalulunod na ako, what kya ipnhihiwatig ng pngnip ko? tnx po don’t post my cp #

To Wheng,

Kapag nanaginip na umiinom ng alcohol o ng alak, ito ay nagsasaad na naghahanap ka ng pleasure o ng pagtakas sa mga suliranin o isyu na ayaw mong harapin. Kung wine ang iyong iniinom, ito ay simbolo ng divine power. Ang panaginip na umiinom ng beer ay nagre-represent ng happiness, relaxation, and/ or inspiration. Ikaw ay malaya sa mga alalahanin at masaya sa pagkakataong iyon. Ang ganitong panaginip ay may kaugnayan o may sinasabi rin hinggil sa iyong social life.

Ang panaginip na nalulunod ay nagsasaad na ikaw ay nakadarama ng overwhelmed emotions. Maaari rin na may mga repressed issues na bumabalik sa iyo. Posible rin na masyadong mabilis ang pagpoproseso mo sa pagdiskubre ng iyong subconscious thoughts. Dapat na maghinay-hinay at maging maingat sa mga ganitong bagay. Sakali namang sa panaginip mo ay namatay ka sa pagkakalunod, ito ay may kaugnayan sa emotional rebirth. Kung nakaligtas ka naman sa pagkakalunod, ito ay nagsasabi na malalagpasan ang mga pagsubok na iyong pagdaraanan. Kapag naman may nakitang nalulunod sa iyong panaginip, ito ay nagpapa-alala sa iyo na ikaw ay masyadong nagiging involved sa isang bagay na wala ka nang kontrol. Alternatively, ito ay nagre-represent ng sense of loss sa iyong sariling identity. Hindi mo na alam ang kaibahan mo o ang tunay mong pagkatao. Kapag naman napanaginipan mo na may iniligtas ka sa pagkalunod, ito ay nagpapakita ng matagumpay na pagkilala sa ilang emotions and characteristics na sumisimbolo sa biktima ng pagkalunod. Kung hindi ka nagtagumpay sa pagsaklolo sa nalulunod, ito ay nagsasabi na manhid ka na sa takot. Ikonsidera ang sitwasyon na ang iyong pangamba o takot na ang siyang nagdidikta sa mga bagay na dapat gawin o sa iyong mga aksiyon.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …