Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Duwende sa panaginip

00 PanaginipMuzta na u Señor,

Nagdrim aq ng tubig at ng ukol sa dwende, ano kaya po pnhihiwatg nito? Wait q ito s dyaryo nio, I’m Linda fr. Laguna, wag u n lng papablis ung cp # q, slamat

To Linda,

Kapag nanaginip ng tubig, ito ay simbolo ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay buhay at ang living essence of the psyche at ng daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment. Kung kalmado at malinis ang tubig, ito ay nagpapakita na ikaw ay in tune sa iyong spirituality. Ito ay may kaugnayan din sa serenity, peace of mind, at rejuvenation. Kung marumi at maputik naman ang nakitang tubig sa iyong bungang-tulog, ito ay nagsasaad na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong negatibong emosyon. Kailangan kang maglaan ng sapat na oras upang mabago ito at makatagpo ng internal peace. Alternatively, ito ay nagsasaad na ang iyong thinking/judgment ay hindi malinaw at nakukulapulan.

Ang nakitang duwende sa iyong panaginip ay nagsa-suggest na ikaw ay well-grounded and connected to nature and earth. Alternatively, ang ganitong uri ng bungang-tulog ay maaaring mangahulugan din ng hinggil sa aspeto sa iyong sarili na hindi pa lubos na nade-develop or has been repressed. Posible rin na ang ganitong klase ng panaginip ay nagsasabi na sa pakiwari mo, ikaw ay nakadarama ng pagiging inferior or insignificant. Alisin sa iyong isipan at sistema ang mga bagay na inaakala mong ang siyang iyong kahinaan o ito ay nagiging daan upang maging maliit ang iyong kompiyansa para sa sarili mo. Mas mabuting mag-focus ka sa mga positibong bagay kaysa sa mga negatibo. Laging isaisip din na nasa kamay mo ang ikagagaling at ikakagaganda ng iyong kapalaran, kailangan lang ng maingat at tamang pagpapasya, lalo na sa mga mahahalagang bagay.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …