Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, mag-aaral na lang kaysa asikasuhin ang lovelife

062615 sunshine cruz

00 SHOWBIZ ms mGOOD decision para kay Sunshine Cruz na magbalik-aral this coming semester.

Ani Sunshine, matagal na niyang pangarap na makatapos ng pag-aaral at tamang-tama na ngayon na niya ito isakatuparan. “Achievement ang edukasyon at pagkakaroon ng diploma,” ani Shine sa kanyang Facebook post. “And I know I owe it to my kids.”

Psychology course raw ang kukunin ni Sunshine sa isang unibersidad na ayaw muna niyang ibinigay kung saan. Basta kapag okey na raw ang lahat ay at saka niya ibabalita sa atin.

Sinabi pa ni Sunshine na nais niyang maging magandang halimbawa sa kanyang tatlong naggagandahang mga anak. “I want to be a good example to them.”

Iginiit pa ni Sunshine na hindi porke’t wala siyang lovelife kaya naisipan niyang mag-aral muli. “Love of my family and friends and dogs are far better than lofelife for now.”

Ayaw din daw niyang maghanap ng sakit sa puso at ulo.

“Yes I’m single (unofficial pa raw kasi hindi pa naga-grant ang annulment niya), but I’m not available for now,” paglilinaw pa ng aktres na after maging abala sa Oh My G! ng ABS-CBN ay sa mga event at out of town shows naman umaarangkada.

“Ngayon ko nagagamit ang pagiging singer. Puro events and out of town shows muna hanggang wala pang serye. Hopefully in two to three (2-3) months ay mayroon na uli akong teleserye,” ang positibong tsika pa sa atin ni Sunshine.

Goodluck Sunshine, sana’y tuloy-tuloy na rin ang pag-aaral mo at happy kami na nagiging maayos na ang lahat-lahat.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …