Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Baul at numero sa panaginip

00 PanaginipHello Señor, gud day po s u,

Sana ma-intrpret ‘yung dream ko na may baul at may mga numero rw dun, medyo mada-las dn ako mnginip nito, dapat kea akong tumaya sa lotto at mananalo kea ako nito at yayaman na? Wag nio na lang lalagay cp ko, tnhks!!!!

To Anonymous,

Ang panaginip ukol sa baul ay kadalasang sumasagisag sa kayaman o salapi, subalit maaaring mayroon ding ibang kahulugan ito maliban sa pagtaya sa lotto o pagkakaperahan.

Ganoon din naman ang mga numero, hindi lahat ng numero sa panaginip ay nagagamit sa suwerte at sugal dahil posibleng may ibang kahulugan ang paglabas nito sa iyong bungang-tulog. Posible rin na lagi mong iniisip na tatama ka sa lotto o sa anumang sugal na tinatayaan mo, kaya lumalabas ito sa iyong panaginip. Kumbaga, nagiging sagisag ng pag-asa mo ang lotto upang mahango sa kahirapan at upang maging biglang-yaman ka at upang maging katapusan na rin ito ng paghihirap mo. Lagi marahil itong nasa subconscious mo kaya nananaginip ka ng numero. Subalit dapat tandaan na ang pagyaman ay hindi nakukuha sa madaliang pamamaraan. Although hindi masama ang tumaya sa loterya o lotto kung ito’y paminsan-minsan at libangan lamang at kung ikaw naman ay may sobrang pera. Subalit kung ito’y magiging madalas at makakasira sa budget ng inyong pamilya, papatak ito sa kategoryang isang bisyo na. Tandaan mong sa suma total, bihira lang ang nananalo sa sugal. Mas mabuti kung dadagdagan ang pagsisikap at pagtitiyaga upang maabot o maisakatuparan mo ang minimithi mong pagyaman o pag-unlad.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …