Hindi pa rin tumitigil ang alingasngas tungkol sa nangyaring operation o mass arrest ng Bureau of Immigration sa isang call center sa Star Cruise malapit sa Resorts World.
Isang malaking HEMATOMA (bukol) daw ang inabot ng bright boy proponent ng nasabing operation!?
Anak ng tokwa!
Siya na nga ang nagtanim, nagbayo at nagsaing pero iba naman ang kumain?
Galit na galit at umuusok daw ang tumbong nitong si Immigration Commissioner Fred ‘pabebe’ Mison, dahil hindi raw yata siya kombinsido sa mga ginawang reports para i-justify ang mga pinakawalang Tsekwa kaya ilang opisyal daw sa nasabing operation ay nasabon to the maxx!?
What the fact!?
May mga usap-usapan din at may ilang naka-witness na nagkaroon pa yata ng “Max Chicken Delivery” diyan mismo sa BI main office ginawa at inialay sa 3 Kings na sina “Melchor, Gaspar at Baltazar.”
Sarap to the bone naman!
Ang kaso mukha yatang hindi nakatikim ng ini-deliver na ‘Manok’ ang isang contractual employee na “Kernel corn” kaya parang batang nagngangangawa kay Miswa ‘este’ Mison.
Well, ngayon natin masusubukan kung walang pinapaboran si Comm. Fred ‘valerie’ Mison!
Aabangan natin kung patas ang inisyu niyang personnel order patungong Southern most part ng Pinas para sa mga empleyadong sumasablay!
Korek ba, Atty. Norman ‘libanan’ Tancinco!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com