“Sobrang overwhelming yung naging response ng tao, di ko in-expect considering na hindi yung final cut version ang napanood nila dahil nagkamali ng na-DCP yung studio. Iyong long version bale ang nakita nila.
“Ang stars nito, sobrang support ang ibinigay ng mga major cast ng pelikula namin dahil alam kong proud sila sa movie at gusto nila ang proyekto. Kaya ibinigay nila lahat ng kanilang kakayahan sa pag-portray ng kani-kanilang role kahit magmukhang taong grasa pa sila,” saad ni Direk.
Dagdag pa niya, “Lahat ng support ibinigay nina Ejay Falcon, Snooky Serna, Dimples Romana, Martin del Rosario, Ynna Asistio at iba pa. Wala silang arte, parang natural lang kasama pa ng ilang totoong homeless people sa may Lawton area. Iba ring experience para sa kanila ang mga nararanasan ng mga totoong mga taong nabubuhay sa kalye at namamalimos.”
Pinuri rin ni Direk Buboy ang producer ng BG Productions na si Ms. Baby Go.
“Si Ms. Baby Go, noong una akala ko parang di seryoso ang pagpoprodyus niya ng movie dahil alam kong alam naman niya ang kalakaran ng pelikula sa bansa natin, na hirap kumita.
“Pero sa tulong ng mga naunang direktor niya like direk Joel Lamangan and direk Mel Chionglo, di pa man naipapalabas ang pelikula sa regular showing nababawi na niya dahil kinukuha ng malalaking network ang rights ng movie. Kaya ngayon, seryoso na siya dahil di lang naman para kumita ang produksyon niya, kundi para makatulong din sa mga movie workers like us,” esplika pa ni Direk Buboy.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio