Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, favorite ni Baby Go ng BG Productions

081215 Aiko melendez balatkayo

00 Alam mo na NonieNAGPAHAYAG ng kagalakan si Aiko Melendez sa ikalawang pagkakataon niyang pagtatrabaho para sa BG Productions International na pag-aari ni Ms. Baby Go. Si Aiko ang bida sa Balatkayo (An OFW Story) na pamamahalaan ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan at tatampukan din nina James Blanco, Rodjun Cruz, Natalie Hart, at iba pa.

Ayon kay Aiko, natutuwa siya sa magagandang projects na dumarating sa kanya ngayon. Katatapos lang ni Aiko ng pelikulang Iadya mo Kami na pinagbibidahan ni Allen Dizon para pa rin sa BG Productions.

“Sobrang excited ako na everyday na may tatawag sa akin na may trabaho ako. Parang it’s a new chance for me to make things better. God is really good, super good to me. Lahat ng hardships ko na pinagdaanan last year and pinagdadaanan pa ngayon is being paid off,” wika ng aktres.

Maiilang ka kaya na ang role mo sa Balatkayo ay nire-require na maging daring ka at may lover kang mas bata sa iyo?

“Magiging challenge din sa akin ito na may lover ako na younger sa akin. Kaya sa tingin ko, this is going to be exciting talaga,” saad pa ni Aiko.

Ano ang comment mo dahil ikaw daw ang favorite ni Ms. Go?

“Sobrang flattered ako, kasi si Tita Baby naman, kept her word when she said about yungs a movie na Balatkayo, An OFW Story And sabi pa niya ulit sa akin, ‘O yung life story ko kapag ginawa, ikaw pa rin ang gusto ko.

“So talagang I’m really flattered, kasi sobrang gaan ng production nito. This is my second project with them. Parang kahit indie ito na hindi ganoon kaano, ang sayang katrabaho ng BG Productions. I’m really flaterred,” nakangiting saad ni Aiko.

Kontrabida ka ba sa Iadya Mo Kami? “Hindi naman, pero they have to see it. scheming ‘yung role ko sa Iadya Mo Kami, it’s something na maraming twist, kasi, mayroon siyang problema sa pag-iisip. Kaya I hope na bukod sa Balatkayo, aabangan din ng mga tao itong Iadya Mo Kami.”

Incidentally, ang Iadya mo Kami ay reunion movie nina Allen, Direk Mel Chionglo at ng batikang manunulat na si Ricky Lee. Bukod kina Allen at Aiko, ang iba pang casts dito ay sina Eddie Garcia, Diana Zubiri, Ricky Davao.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …