Matagal siyang naging in house talent ng TV5 pero lately, laking gulat namin nang makita namin siya sa presscon ng Sunday Pinasaya na siyang pinakabagong Sunday musical-variety show ng GMA.
Anyway, uso na nga pala ang hiraman ng talents sa ngayon kaya hindi na kataka-taka kung lumalabas man sa ngayon sa GMA ang homegrown talent ng TV5 na si Valeen Montenegro.
At any rate, Valeen still has a show with TV5 at hindi naman problema ‘yun since parehong weekly lang naman ang shows niya sa Cinco at sa Siyete.
At any rate, her decision to pose for FHM appears to be a good one. Marami kasi ang naging aware sa kanyang presence dahil dito.
Good luck, Valeen. Sana nga’y matupad na ang mga pangarap mo sa buhay. After all, you have the beauty and the talent as well.
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.