Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tulong pinansiyal para kay Jam, winawaldas daw ni Deborah?

080615 aiko melendez deborah sun jam
FOLLOW-UP ito sa aming naisulat tungkol sa kalagayan ni Jam Melendez, anak ni Deborah Sun, na ayon sa sumuri sa kanya noong June 12 ay mayroong schizophrenia. Ito’y isang uri ng mental disorder.

Pero kung tatanungin si Deborah, “Hindi siya (Jam) baliw or whatever.”

Ang latest, nagkapasa ang character actress sanhi ng umano’y pagwawala ni Jam over the weekend.  Deborah had no other recourse kundi i-confine si Jam sa isang rehab facility.

Bago rito, ang pagpapa-rehab sa anak what would cost her more than P12,000 ang pinoporoblema ni Deborah, kaya ang confinement ni Jam sa pagkakataong ito ay on a promissory note.

Samantala, ipinagtataka ng marami-rami na rin palang nag-abot ng tulong-pinansiyal kay Deborah—para kay Jam—kung saan napunta ‘yon.  Isang distant showbiz relative ang nakapagbigay na ng P30,000 hanggang P50,000, halagang sapat na marahil para sa payak na pangangailangan nilang mag-ina, pero saan daw napunta ang pera?

Earlier, we wrote na willing naman ang kapatid ni Jam na si Aiko Melendez to extend help to her distraught brother.

Pero may regular bang pinagkukunan ng income si Aiko sa ngayon? Balita nga namin, pinagkakasya ng aktres ang sustentong ibinibigay ni Jomari Yllana para sa anak nilang si Andrei.

At kung totoo ngang “winawaldas”—that is, kung totoo—ni Deborah ang pera, kahit sino naman sigurong bukas-palad na nilalang sa pagtulong ay manghihinawa rin.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …