Thursday , January 9 2025

Panaginip mo, Interpret ko: Malaking bato at buwaya

00 PanaginipGud pm sa iyo Señor,

Nakakita ako ng buwaya sa drim ko, tas daw ay kukuha dpat ako ng malaking bato para ipukpok sa buwaya, pero mabigat d ko makaya, yun na po drim ko, paki interpret sana mabasa ko agad, tnxx, Jimmy ng Laguna, plz dnt post my cp…

To Jimmy,

Kapag nakakita ng buwaya sa panaginip, ito’y sagisag ng freedom, hidden strength at power. Sa kabilang banda, nagbababala rin ito ng nakatagong panganib. Mayroong nagbibigay sa iyo ng mga maling payo na nagiging sanhi ng mga hindi maayos na desisyon. At dahil ang buwaya ay maaaaring mabuhay sa tubig at lupa, ito’y nagpapakita rin ng iyong conscious at unconscious at ng emotional at ng rational. Posible rin na may mahalagang kaganapan na padating. Mag-ingat din dahil maaaring may hindi magandang balita ukol sa pag-ibig at negosyo o bagay na pagkakaperahan. Ingatan din ang mga tao sa iyong paligid, lalo na ang mga hindi pa lubos na kilala. Pag-isipan munang mabuti ang bawat hakbang na gagawin, lalo na ang mga bagay na labis na mahalaga.

Ang malaking bato naman ay sagisag ng strength, permanence, stability at integrity. Ito ay maaaring nagsasaad din ng commitment to a relationship o kaya naman ay ukol sa pinag-iisipang pagbabago sa buhay na siyang iyong magiging groundwork for a more solid foundation. Alternatively, ang bato ay nagre-represent din ng stubbornness, disharmony at unhappiness.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *