Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkikita nina Alden at Yaya Dub, inaabangan (Lola Nidora, sumugod sa Broadway)

081015 alden Yaya dub frankie jose

00 SHOWBIZ ms mPAGKATAPOS mahimatay ni Yaya Dub (Maine Mendoza) noong Sabado sa #KalyeSerye ng Eat Bulaga!, marami ang naghintay sa muling paglabas nito kahapon.

Subalit bigo ang mga manonood bagamat naintindihan nila ang dahilan ng hindi pagsulpot ng Pambansang Yaya sa noontime show. Marami ang nalungkot dahil hindi nila nasilayan si Yaya Dub. Hinimatay si Yaya Dub noong Sabado habang isinasagawa ang kasal niya kay Yackie. Ang akala ng iba’y scripted ang nangyari, ‘yun pala’y hindi dahil totoong nawalan ng malay si Yaya Dub.

Kahapon, nakita ng televiewers ang pagsugod sa broadway si Lola Nidora para harapin si Alden Richards. Sumugod naman si Alden sa barangay para ibigay ang kanyang mensahe kay Yaya Dub, ang “Pagaling Ka!”

Bagamat wala si Yaya Dub, na-appreciate naman ng viewers ang sobrang effort nina Wally Bayola, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Alden para mapasaya ang mga nag-aabang sa #KalyeSerye.

Kung kailan magkikita sina Alden at Yaya Dub, ‘yan ang inaabangan ng karamihang sumusubaybay sa #KalyeSerye ng EB. Kahit kami’y excited sa kanilang pagkikita. Tiyak na marami ang matutuwa kapag nagkita na ang dalawa.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …