SA nakaraang mga panahon, naitayo ng mga sibilisasyon sa mga erya ang iba’t ibang chi at nagkaroon ng reputasyon sa kagalingan sa ilang mga larangan, dahil ang partikular na chi na ito roon ang naging dahilan upang madaling maging bihasa sa ano mang larangan, halimbawa: sa sining, pananalapi, pagsusulat o pagnenegosyo.
Maaaring mayroong ilang mga tipo ng pagdaloy ng chi na tugma sa ilang mga profession. Halimbawa, ang strong vertical chi ay maaaring tugma sa mga manunulat, na nagtatrabaho ayon sa kanilang sariling kakayahan at nangangailangan ng inspirasyon, originality at imahinasyon.
Habang ang trader naman ay maaaring higit na masusuportahan ng horizontal chi flow, dahil siya’y mariing nakikipag-ugnayan sa ibang mga tao.
Kung batid mo kung ano ang nais mong gawin sa iyong buhay, at nagnanais kang lumipat ng ibang lugar, ituon ang pansin sa mga lugar na higit na makatutulong sa iyo.
ni Lady Choi