Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Naval, huhusgahan na bukas sa The Love Affair

081115 love affair naval

00 SHOWBIZ ms mBUKAS, Agosto 12, na masasaksihan ang pinakamalaki at pinakahihintay na romantic drama ng kasalukuyang season, ang The Love Affair na nagtatampok kina Richard Gomez, Bea Alonzo, at Dawn Zulueta.

Bagamat directorial debut ito ni Nuel Naval sa ilalim ng Star Cinema, marami ang napahanga ni Naval sa husay ng pagkakagawa niya sa istoryang isinulat ni Vanessa R. Valdez.

Actually, napakasuwerte ni Naval na maidirehe ang mga magagaling at de-kalibreng artista. Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan at pasasalamat niya bdahil hindi siya nahirapan sa tatlo. Bukas, makikita na kung paano niya nakayang balansehin ang pagtatagpo ng tatlo.

Ang The Love Affair ay tungkol sa tatlong magkakaibang tao na pinag-iisa ng pag-ibig. Ang isa sa kanila ay si Patricia (Zulueta) na isang maybahay na naghahanap ng kapatawaran matapos magkamali. Ang isa naman ay si Vince (Gomez), isang lalaki na naghahangad na maging mabuting asawa at provider na gagawin ang pinakamahalagang desisyon sa kanyang buhay. At ang isa ay si Adie (Alonzo), isang babaeng nadurog ang puso na naghahanap ng kaligayahan sa buhay matapos makipaghiwalay sa minamahal.

Saksihan kung paano maaapektuhan ng isang love affair ang buhay ng tatlong tao at alamin kung may karapatan ang isang tao na manakit ng kapwa matapos masaktan ng iba.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …