IKINABIT sa mismong likod ng base jumper na si Josh Miramant ang parachute.
Noong Mayo, naisagawa ng 28-anyos base jumper ang 380-foot jump mula sa bangin ng Ton Sai sa Thailand.
Ayon sa ulat ng Barcroft TV, ang parachute ni Miramant ay direktang nakakabit sa kanyang likod sa pamamagitan ng grappling hooks.
“I’d never had any other piercings before and it was by far the most painful part of the whole experience,” pahayag niya sa Barcroft.
Ang pagtalon gamit ang parachute na direktang nakakabit sa likod ay tinatawag na “suspension jump.” Si Miramant ay sinasabing pang-11 sa mga taong sinasabing nagsagawa ng tinaguriang “painful leap of faith,” ayon sa Telegraph.
Para isagawa ito, si Miramant ay nilagyan ng apat na bolts sa kanyang upper back. Ang hooks ng parachute ay ikinabit sa bolts na ito, ayon sa OutsideOnline.com.
Makaraan ang pagtalon, ang hooks ay tinanggal habang dumudugo ang kanyang likod.
“I am not a masochist. I just came to enjoy the whole experience despite the pain, but I was certainly happy when the piercing was complete.”
Sinabi ni Miramant sa OutsideOnline.com, plano niyang isagawa ang katulad na pagtalon mula sa hot air balloon makaraan ang anim na buwan. (THE HUFFINGTON POST)