Bibigyang buhay ni Nadine dito ang karakter ni Leah, isang dalagang puno ng pangarap na nais makarating ng US para makatulong sa pamilya. Si James naman si Clark, laki sa Amerika at nais bigyan ng magandang buhay ang mga kapatid na nasa Pilipinas matapos mamatay ang kanilang ina. Sa pagtupad ng kanyang American dream, haharapin ni Leah ang malaking problema dahil sa nalalapit na pag-expire ng kanyang visa. Upang manatili sa bansang kanyang pinapangarap, si Lea ay makikipagkasundong magpakasal kay Clark kapalit ng perang kinakailangan nito.
Paano babaguhin sina Leah at Clark ng kanilang kasunduang magpanggap bilang tunay na nagmamahalan? Ano ang kanilang gagawin sa oras na totohanan nang mahulog ang loob nila sa isa’t isa?
Isa sa dapat abangan sa teleseryeng ito ang mga kilig-scenes nina James at Nadine.
“Nakakakilig po siya, super! Like even po si Direk Toinette, pati siya ay kinikilig. Kaya I’m really thankful na kahit po yung mas matatanda sa amin, na kahit hindi po namin generation ay kinikilig sila. So, super thankful po ako, kasi po ay naa-appreciate nila na parang kahit puro pagpapakilig ang ginagawa namin ni James, parang hindi po sila nauumay, hindi po sila nagsasawa.
“So I guess it is po, maraming pampakilig dito. At saka dito po kasi sa On The Wings of Love, ang kaibahan po siguro, mas level up po kami, mas mature nang kaunti,” saad ni Nadine.
Ano sa palagay niya ang sikreto kung bakit kinikilig ang viewers sa kanilang tambalan? “There’s no secret, it’s just there. This tandem started out as an experiment and we are happy and thankful that it worked,” sabi naman ni James.
Ang On The Wings of Love, ay mula sa direksyon nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin. Kabilang din sa casts sina Joel Torre, Bianca Manalo, Albie Casiño, Nanette Inventor, Cherry Pie Picache, Isay Alvarez, Katya Santos, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio